Ang Zoom Bilang Platapormang Pang-edukasyon sa Pagtuturo ng Wika: Mga Repleksiyon at Rekomendasyon Mula sa Sistematikong Rebyu ng mga Literatura

Noong Marso 16, 2020, isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang maraming lugar sa Pilipinas dahil sa panganib na dulot ng pandemyang COVID-19. Nagsanhi ito sa pagkaantala ng maraming gawaing panlipunan kabilang na ang pagpasok sa eskuwelahan. Sa ganitong panahon, kinailangang makaagapay...

全面介紹

Saved in:
書目詳細資料
Main Authors: De Leon, Jay Israel B., Manarang, Oliver Z., Sumaoang, Nixon Paul J.
格式: text
出版: Animo Repository 2022
主題:
在線閱讀:https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol8/iss1/1
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/dalumat/article/1005/viewcontent/Zoom_bilang_Platapormang_Pang_edukasyon.pdf
標簽: 添加標簽
沒有標簽, 成為第一個標記此記錄!
實物特徵
總結:Noong Marso 16, 2020, isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang maraming lugar sa Pilipinas dahil sa panganib na dulot ng pandemyang COVID-19. Nagsanhi ito sa pagkaantala ng maraming gawaing panlipunan kabilang na ang pagpasok sa eskuwelahan. Sa ganitong panahon, kinailangang makaagapay ang sistema ng edukasyon. Mula sa tradisyunal na klaseng face-to-face, hiningi ng pagkakataong gamitin ang iba’t ibang modalidad ng remote learning. Nilayon ng papel na itong talakayin ang potensiyal ng videoconferencing application na Zoom bilang plataporma ng pagtuturo at pagkatuto ng wika sa birtuwal na silid-aralan. Sa pamamagitan ng sistematikong rebyu ng literatura, pinagnilayan ng papel ang mga karanasan ng ibang bansa sa pagdidisenyo ng isang online na klaseng pangwika na gumagamit ng videoconferencing. Sa dulo, nagmungkahi ang papel ng mga gawaing maaaring iangkop ng mga guro ng wika sa kanilang pagtugon sa mga kahingian ng online na pagtuturo.