Mga suliraning kinakaharap ng mga amang walang sariling tahanan sa pagganap ng kanilang tungkulin sa kanilang pamilya.

Ang pag-aaral na ginawa ay tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga amang walang sariling bahay sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang ama sa kanyang pamilya. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon siya ng problema sa pagganap ng mga tungkulin dahil s...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Flameno, Krista Claudine P., Valdez, Nativity L., Villarruz, Virgil Daniel R.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2001
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/10207
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ginawa ay tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga amang walang sariling bahay sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang ama sa kanyang pamilya. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon siya ng problema sa pagganap ng mga tungkulin dahil siya at ang kanyang pamilya ay nakikitira lamang sa kanyang mga magulang. Ang mga kalahok ng nasabing pag-aaral ay nakapagbahagi ng kani-kanilang mga saloobin at pananaw ukol sa sitwasyon kanilang kinakaharap sa buhay. Maliban sa mga ito, ang pinakamahalagang naibahagi nila ay ang kanilang mga pang-araw-araw na karanasan lalu na ang mga ninais na pag-aralan ng mga mananaliksik na ang kanilang mga suliranin kinakaharap sa kanilang estado sa buhay. Maraming nakitang magkakatulad na pangyayari na pinagdaanan sa buhay ng mga naging kalahok, ngunit mayroon ding mga pagkakaiba. Bagama't ang mga kalahok ay nasa magkakasintulad na sitwasyon, sila ay may kani-kaniyang personalidad, pinagmulan at kinalakhan na humubog sa kanilang pagkatao. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng pagkakataong makita ang iba't ibang dimensyon ng isang sitwasyong tulad ng pag-aaral ukol sa mga amang walang sariling tahanan sa pagganap ng kanyang tungkulin sa kanyang pamilya.