Silang mga nakakita at nakausap ng duwende at ang mga pananaw sa kanila ng mga taong nasa paligid nila

Ang pag-aaral na ito ay isang disenyong pang-eksploratoryong case method na malalimang pakikipanayam at ito ay isinakatuparan upang maipaliwanag ang di-pangkaraniwang penomena ng duwende. Napapaloob sa pag-aaral na ito ang katangian, karanasan, epekto ng mga taong nakakita at nakausap ng duwende ng...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Prats, Rica Asuncion S., Uy, Bellen T., Yu, Jennice C.
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 1996
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6749
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay isang disenyong pang-eksploratoryong case method na malalimang pakikipanayam at ito ay isinakatuparan upang maipaliwanag ang di-pangkaraniwang penomena ng duwende. Napapaloob sa pag-aaral na ito ang katangian, karanasan, epekto ng mga taong nakakita at nakausap ng duwende ng dalawang beses o mahigit. Napili ang mga kalahok sa pamamagitan ng non-purposive sampling referral method. Hindi lamang ang pananaw ng pitong kalahok ang binigyan ng halaga kung hindi pati na rin ang pananaw ng kanyang ka-pamilya at komunidad. Ang isa pang ginawa ng mga mananaliksik ay ang pamamahala ng panukat ng katauhan. Ang panukat na ito ay ang Panukat ng Ugali at Pagkatao. Sa pagsusuri ng mga datos, nakagawa ng mga hipotisis ang mga mananaliksik. Isa sa mga ito ay ang posibleng katangian na mayroon ang mga taong nakakita at nakausap ay ang pagiging babae, bata, bukas ang isip, mabait at ang nais na magkaroon ng pagkakaisa sa mga taong nasa paligid nila.