Pag-Igpaw sa Inip at Inis ng Pagkakapiit: Tulambuhay sa Anyo ng Talinghaga’t Taludturan (Overcoming Ennui and Ire Amidst Incarceration: Narratives in Metaphors and Verses)

Kabilang sa itinuturing na “Emergent Literature” sa Pilipinas ang panitikan sa bilangguan. Hindi ito kataka-taka sa bansang may malalim at mahabang kasaysayan ng pagpipiit sa mga tumutunggali sa panlipunang kaayusan, kabilang na ang mga intelektwal, partikular ang mga artista at manunulat. Dahil sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Armingol, Kevin P.
Format: text
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/akda/vol3/iss2/3
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/akda/article/1053/viewcontent/2_Armingol.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Kabilang sa itinuturing na “Emergent Literature” sa Pilipinas ang panitikan sa bilangguan. Hindi ito kataka-taka sa bansang may malalim at mahabang kasaysayan ng pagpipiit sa mga tumutunggali sa panlipunang kaayusan, kabilang na ang mga intelektwal, partikular ang mga artista at manunulat. Dahil sa kanilang taglay na progresibo at radikal na katangian, malimit silang maging puntirya ng establisyimento, bukod pa sa kanilang likhang-sining at akdang-pampanitikan, at maging bahagi ng dumadami pang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. Sa loob ng piitan, may pangangailangan na maisadokumento at magawaan ng pag-aaral ang mayaman at masining na karanasan at likha ng mga bilanggong pulitikal na mga artista at manunulat. Kung gayon, layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang namayaning damdamin at karanasan ng tatlong makata at manggagawang pangkultura ng pambansa-demokratikong kilusan at dating naging bilanggong pulitikal na sina Kerima Lorena Tariman, Axel Pinpin, at Ericson Acosta. Gamit ang pulitikal na kritisismong pampanitikan, inaasahang mapalitaw sa pag-aaral ng kanilang panulaan sa piitan ang pangkabuuang danas at damdaming namayani sa panahon ng kanilang pagkakapiit. Sa pagtatapos ng pag-aaral, nais patunayan nito na patuloy at buhay hanggang sa kasalukuyan ang makabayang tradisyong pampanitikan sa panulat ng tatlong manggagawang pangkultura at ang mahigpit na ugnayan ng panitikan at lipunan, bukod sa pagpapatingkad at pagbibigay-diin sa kanilang mahigpit na pagkapit sa kanilang prinsipyo at paninindigan. (Prison literature is currently considered as one of the "Emergent Literature" in the Philippines. This is not new in a society with a deep-seated and long history of putting down dissents in various prison cells who challenged the social order, including groups of intellectuals, especially the ranks of artists and writers. Due to their innate progressive and radical characteristics, they have been one of the main targets of different establishments, as a result of their integration with the masses, whom their artworks and literary works inspired. Unsurprisingly, they contributed to the increasing number of political prisoners in the country. Inside the prison cell, there is a need to document and create a study about the rich and meaningful experiences and works of the political prisoners, emphasizing the significant role of these artists and creative writers. Thus, this study aims to analyze the general emotions and experiences of the three poets and cultural workers of the national democratic movement and former political prisoners, Kerima Lorena Tariman, Axel Pinpin, and Ericson Acosta. Through political literary criticism, this paper will highlight the general emotions and experiences inside the prison by analyzing their prison poetry. Based on the data gathered the results show how optimistic the three poets are amidst the continuous and various attacks from the different establishments. Setbacks and frustrations from their writings through poetry are seen as one of the many reasons that made them feel hopeless, but they still managed to overcome these hindrances by mocking and subverting the state using their pens due to its incompetency, inutile, and anti-people policies. At the end of the study, it supports the argument that the nationalist literary tradition is in a new and fresher breath of writing by these poets-cultural workers. It also shows how strong the connection between literature and society is, aside from the fact that these poets showed unwavering commitment to their principles and advocacies.)