Hugnayang Kognitibo: Pagtatala at Pagsusuri sa Proseso ng Pagbuo ng Kagamitang Panturo sa Filipino Gamit ang Instruksiyon sa Telebisyon - DepEd TV
Ang DepEd TV ay isang pambansang programa ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng Information and Communications Technology Service - Educational Technology Unit (DepEd ICTS-ETU) na nabuo sa pagsisimula ng pandemyang COVID-19 noong 2020. Layunin nitong punan ang learning gaps na maaaring umusbong dah...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Animo Repository
2024
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_archers/2023/paper_innov/3 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/conf_archers/article/1015/viewcontent/ARCHERS_Agoncillo___Ronnel_Jr._Agoncillo.docx.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Summary: | Ang DepEd TV ay isang pambansang programa ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng Information and Communications Technology Service - Educational Technology Unit (DepEd ICTS-ETU) na nabuo sa pagsisimula ng pandemyang COVID-19 noong 2020. Layunin nitong punan ang learning gaps na maaaring umusbong dahil sa pagbabago ng paradigma ng edukasyon tungo sa blended learning o pagkatutong nakabatay sa paggamit ng modyul o internet. Maglaon, lumitaw na mainam itong suplemento sa pagtuturo sa basic education dahil sa aksesibilidad nito at nakaeenganyong pormat ng pagtuturo. Layunin ng papel na ito ang sumusunod: (a) maitala at mataya ang naging proseso ng mga itinalagang National Teacher-Broadcaster sa pagbuo ng konsepto, iskrip, at pormat ng pagtuturo ng Filipino sa Junior High School o Baitang 7-10; (b) maiugnay ang prosesong ito sa mga umiiral na teorya at konsepto sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo sa Filipino sa pangkalahatang gabay ng mga konsepto ng Hugnayang Kognitibo. Sa patuloy na intensyon ng DepEd na magtayo muli ng ganitong proyekto na may kahalintulad na porma at anyo, magagamit ang papel na ito bilang batayan sa pagbuo ng mga kagamitang panturo na nakasandig sa mga teoryang pang-edukasyon. Tumutugon din ito sa Sustainable Development Goal bilang apat na nagnanais ng isang inklusibo, para sa lahat, at de-kalidad na edukasyon na nagsusulong ng pagkatutong magagamit sa panghabambuhay. |
---|