Pag-asa, Pag-ibig, at Tatag ng Loob: Pagsusuri sa Diskograpiya ng SB19 gamit ang Hermenyutika ni Martin Heidegger

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa diskograpiya ng SB19, Filipino boyband group na namayagpag sa panahon ng pandemya at nang isinusulat ang papel na ito ay kabilang sa mga trending na musika na naitala ng Billboard Music Charts. Gabay ng hermenyutikang lente ni Martin Heidegger, prinoblematisa sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Andres, John Ralph Comendador, Ella, Sarah Eleighna Esparas, Buenaflor, Lorenzo Miguel Sotto
Format: text
Published: Animo Repository 2022
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2022/paper_mps/5
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa diskograpiya ng SB19, Filipino boyband group na namayagpag sa panahon ng pandemya at nang isinusulat ang papel na ito ay kabilang sa mga trending na musika na naitala ng Billboard Music Charts. Gabay ng hermenyutikang lente ni Martin Heidegger, prinoblematisa sa kolaboratibong pag-aaral na ito ang mga (1) panlipunang kontekstong nakapaligid sa diskograpiya ng SB19; (2) ang mga tentatibong imahen nakakabit sa SB19; at, (3) ang mga temang umusbong sa naturang diskograpiya. Sang-ayon sa labintatlong kanta at mga kaugnay na tekstwal na materyales, lumabas na (1) may kaugnayan ang pag-usbong ng musika ng SB19 sa mas malawak na phenomenon ng Hallyu, pandemya’t social media, at ang paggamit ng wikang Filipino at Ingles at iba pang paraan ng code-switching para sa pagbebenta ng musika, (2) ang ugnayan ng BTS sa SB19 at mga kaugnay na detalye ng pag-unlad ng Hallyu, (3) at ang pag-asa, pag-ibig, at tatag ng loob bilang mga tema ng kanilang mga awit. Sa dulo ng pananaliksik, nagbigay ng realisasyon ang mga mananaliksik sa ugnayan ng mga panlabas at panloob na salik sa pagkakalikha ng diskograpiya ng SB19.