Pagdalumat sa Sosyo-kultural at Pangkapaligirang Aspekto ng Uhayan Festival Gamit ang Likas-kayang Balangkas ng Pistang Pamana Pistang Naaayon
Ang kapistahan ay pagdiriwang na nagsisilbing daluyan upang maipamalas ng isang pamayanan ang natatangi nitong tradisyon, paniniwala, produkto, at kultura sa pangkalahatan. Bagamat maraming mga pag-aaral na naisagawa ukol sa ugnayan ng pista at kultura, iilan pa lamang ang mga pag-aaral na nakatuon...
Saved in:
Main Authors: | , , , |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Animo Repository
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2021/paper_mps/4 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/conf_shsrescon/article/1697/viewcontent/Bartolabac_et_al.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Summary: | Ang kapistahan ay pagdiriwang na nagsisilbing daluyan upang maipamalas ng isang pamayanan ang natatangi nitong tradisyon, paniniwala, produkto, at kultura sa pangkalahatan. Bagamat maraming mga pag-aaral na naisagawa ukol sa ugnayan ng pista at kultura, iilan pa lamang ang mga pag-aaral na nakatuon sa likas-kayang katangian ng mga kapistahan. Layunin ng pag-aaral na ito na dalumatin ang mga likas-kayang katangian ng Uhayan Festival sa Barangay Macabling, Sta. Rosa City, Laguna gamit ang balangkas ng Pistang Pamana at Pistang Naaayon. Kinalap ang mga datos sa pamamagitan ng katutubong pamamaraan na pakikipagkwentuhan sa mga susing tao na may kaugnayan sa implementasyon ng Uhayan Festival. Ang mga nakalap na datos na sumailalim sa coding at transkripsyon ay sinuri at isinatema batay sa mga aspekto ng likas-kayang balangkas ng Pistang Pamana at Pistang Naaayon: sosyal, kultural, at pangkapaligiran. Batay sa pag-aaral, ang mga programang nakapaloob sa Uhayan Festival ay nagtataguyod ng pagkakabuklod- buklod ng pamayanang Macabling. Sa kultural na aspekto, itinatampok ng Uhayan Festival ang iba’t ibang gawain na nagsisilbing repleksyon ng Barangay Macabling bilang isang agrikultural na pamayanan. Ipinamalas ng Uhayan Festival ang kahalagahan ng pagtiyak sa pagiging likas-kaya ng isang kapistahan upang matagumpay at makabuluhan nitong magampanan ang mga layunin upang ito ay manatiling buhay at sustentable. Sa pangkalahatan, ipinakita ng pag-aaral na ito na ang pagtatampok ng kapistahan ay tumatawid sa kultural na aspekto tungo sa sosyal at pangkapaligirang aspekto. Mahalagang pag-aralan ang dinamiko ng pagkakaisa ng mga stakeholders ng kapistahan gayundin ang ginagawang hakbang sa pangangalaga ng kalikasan. |
---|