Araling Marikina: Kalikasan, Kasaklawan, Tunguhin, at Bibliograpiya

Kaiba sa Marikina Studies, ang Araling Marikina—na pag-aaral ukol sa Marikina at mga Marikeño sa wikang Filipino—ay musmos pa. Layunin ng papel na ito na isalaysay ang mga pagpupunyagi tungo sa pagbuo ng Araling Marikina, at imapa ang posibleng kasaklawan nito bilang isang larangan. Upang isagawa a...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Santos, Mark Joseph P.
Format: text
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol9/iss1/2
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/dalumat/article/1002/viewcontent/M2_Araling_Marikina__Kalikasan__Kasaklawan__Tunguhin__at_Bibliograpiya.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Kaiba sa Marikina Studies, ang Araling Marikina—na pag-aaral ukol sa Marikina at mga Marikeño sa wikang Filipino—ay musmos pa. Layunin ng papel na ito na isalaysay ang mga pagpupunyagi tungo sa pagbuo ng Araling Marikina, at imapa ang posibleng kasaklawan nito bilang isang larangan. Upang isagawa ang pagmamapang ito, nagtipon ako ng bibliograpiya ng 100 akda sa Marikina kapwa sa Ingles at Filipino (upang maipakita ang mga maaaring matutuhan at makuha ng Araling Marikina mula sa Marikina Studies). Binubuo ang bibliograpiyang ito ng mga artikulo sa mga dyornal, kabanata sa mga aklat, at mga tesis/disertasyon. Ginamit ang 100 akda na ito upang palitawin ang 12 na posibleng sublarangan ng Araling Marikina: sakuna, sapatos, pamamahala, ekonomiya, edukasyon, kalikasan, kalinangan, relihiyon, kasaysayan, wika, kalusugan, at sikolohiya. Pagkatapos ay nagsagawa ng pagbibilang ng mga akdang nakapaloob sa mga sublarangang ito upang makahalaw ng ilang obserbasyon. Ilan sa mga pangunahing obserbasyong nahalaw mula sa pagbibilang ay ang mga sumusunod: patuloy na pamamayani ng Ingles sa pag-aaral ng Marikina; paglitaw ng mga sublarangang espesyal sa kontekstong Marikeño tulad ng sakuna at sapatos; at pagiging dominante ng agham pangkalikasan at aplikadong agham higit sa agham panlipunan at humanidades sa mga umiiral na literatura sa Marikina. Naglatag din ng ilang mga mungkahing proyekto na maaaring suungin sa hinaharap para sa pagpapayabong ng Araling Marikina. Ilang halimbawa nito ay ang: pagsasalin sa Filipino ng mga naunang akda sa Marikina Studies; paglilimbag ng mga ‘di pa nakalathalang tesis/disertasyon ukol sa Marikina; pagtatayo ng isang dyornal na nakatutok sa Araling Marikina; paglalagak ng mga bagong pananaliksik sa publikong aklatan ng siyudad; pakikipag-ugnayan sa iba pang organisasyon ng mga lokal na araling pang-erya; at pagbabalik ng Marikina Studies o Araling Marikina sa kurikulum ng ilang lokal na unibersidad.