Kitakits sa Mcdo: Pagsipat sa Piling Patalastas ng McDonald’s gamit ang Pamantayan ni Jocano na Halaga, Asal, at Diwa
Isa sa pinakakilalang kainan o fast food store hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa buong mundo ay ang McDonald’s. Nagsimula ang kilala ngayong McDonald’s mula sa magkapatid na Maurice at Richard McDonald noong 1948. Sa kabilang banda, kinakitaan ng potensyal ng negosyanteng si Ray Kroc ang mo...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Animo Repository
2024
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol9/iss1/3 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/dalumat/article/1003/viewcontent/M3_Kitakits_sa_Mcdo.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Summary: | Isa sa pinakakilalang kainan o fast food store hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa buong mundo ay ang McDonald’s. Nagsimula ang kilala ngayong McDonald’s mula sa magkapatid na Maurice at Richard McDonald noong 1948. Sa kabilang banda, kinakitaan ng potensyal ng negosyanteng si Ray Kroc ang modelo ng pagpapatakbo ng magkapatid na McDonald kaya binili niya ang karapatang pagmamay-ari dito. Ipinakikilala ng McDonald’s ang mga produkto nito sa porma ng advertisement o patalastas na laging kakabit sa isang negosyo. Maituturing itong isang pangangailangan sapagkat ang pagpapakilala sa produkto, presyo, at lugar ng isang negosyo ay maaaring makapagpalawak sa saklaw at impluwensya nito. Kaya naman, gagamiting teksto sa pag-aaral na ito ang tatlong piling patalastas ng McDonald’s noong 2023. Tekstuwal at nilalaman na pagsusuri ang ginawa ng mananaliksik upang sipatin ang mga pagpapahalaga gamit ang pamantayan ng halaga, asal, at diwa ni Jocano tungo sa mga pagpapahalagang Pilipino sa pag-aaral ni Timbreza. Lumabas na kinakitaan ang mga patalastas sa pagbubuo ng konsepto ng kapwa mula sa ibang tao o hindi ibang tao. Ispesipiko ring ipinamalas sa patalastas ang pagiging malugod at magiliw. Idagdag pa, na sentro sa patalastas ang pagiging una ng pamilya sa buhay nating mga Pilipino. Mayroong ipinapamalas na pagtanaw ng utang na loob ang anak sa magulang partikular sa kanyang ina. Krusyal din na tiningnan kung paano nagkakaroon ng pagdaragdag at/o ekstensyon ang ginagampanan ng bawat isang miyembro ng pamilya. |
---|