Idyomatikong Ekspresyon sa Wikang Filipino: Sipat-suri sa mga Metaporang Ginagamit sa Pang-araw-araw na Diskurso

Malaking bahagi ng talastasang Filipino ang paggamit ng mga idyoma bilang ekspresyon sa pagpapahiwatig ng mga mensaheng nais na iparating. Salig ito sa kaugalian ng mga Pilipino na pakikipagkapwa at kababaang-loob. Layunin ng papel na ito na malaman ang pahiwatig at ugnayang kultural ng mga idyomati...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Ople, Lheris May R.
Format: text
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol9/iss1/4
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/dalumat/article/1004/viewcontent/Manuscript_4___Hunyo_2023__Tomo_9__Bilang_1.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Malaking bahagi ng talastasang Filipino ang paggamit ng mga idyoma bilang ekspresyon sa pagpapahiwatig ng mga mensaheng nais na iparating. Salig ito sa kaugalian ng mga Pilipino na pakikipagkapwa at kababaang-loob. Layunin ng papel na ito na malaman ang pahiwatig at ugnayang kultural ng mga idyomatikong ekspresyon sa wikang Filipino sa pamamagitan ng deskriptibong pagsusuri sa tatlumpu’t dalawang (32) idyoma na kinilala bilang frozen metaphor. Ang analisis na isinagawa sa pag-aaral ay ayon sa dalawang kaparaanan: una, ang pagsipat sa paraan ng pagpapahayag ng kahulugan o pahiwatig ng mga metapora ayon sa leksikal semantiks. Inilarawan sa pamamaraang ito ang kaligiran ng mga ekspresyon batay sa apat (4) na tema na tinukoy bilang (1) halaman, (2) bagay, (3) hayop, at (4) bahagi ng katawan. Gayundin, ginamit bilang lente sa pagbibigay-kahulugan ang dekomposisyonal na pananaw sa idyoma na nagsasaad na ang bawat salita o elementong bumubuo sa metaporikal na ekspresyon ay nakapag-aambag sa paglalahad ng kahulugan ng idyoma kung kaya't naaanalisa ng indibidwal ang kahulugan nito. Ikalawa, pagsusuri sa anyo at estruktura ng metapora sang-ayon sa konseptwal semantiks. Sa pamamaraang ito, inihanay ang mga metapora sa tatlong (3) bahagi ayon sa kayarian; ang (1) metaporikal na idyomang payak, (2) tambalang-konstruksyong metaporikal na idyoma, at (3) pariralang konstruksyong metapora upang masuri ang anyo ng mga ekspresyon. Kaalinsabay nito, inilahad ang leksikal na kategorya ng bawat salita tulad ng pangngalan, pandiwa, at pang-uri kabilang din ang panlapi, pang-angkop, at pagbabagong morpoponemiko bilang pagsusuri sa estruktura ng mga metapora. Hinalaw ang mga metaporang sinuri sa web-entry nina Ponciano Santos at Roberto Añonuevo. Gayundin, ibinatay ang interpretasyon sa mga ito sa pagsusuri ng mananaliksik, sa ilang mga artikulo, at sa isang grupong-hambingan na binubuo ng limang taga-tugon na mananalita ng wikang Filipino. Natukoy na ang mga metaporikal na idyomang sinuri na hinanay sa iba’t ibang tema ay nauugnay lamang sa mga tao at ginagamit sa diskurso upang ilarawan ang emosyon, gawi, kakayahan, katangian, kaanyuan, pag-iisip, at kapintasan ng mga ito. At bilang may semantik na kaibahan sa bawat wika na sumasalamin sa kultural na kaibahan, ang mga idyomang sinuri ay may metaporikal na kahulugan lamang sa wikang Filipino.