Pagpapalit-Koda Bilang Daluyan ng Damdamin sa "Patay na si Hesus"

Malawak na ang akademikong literatura ng pagpapalit-koda sa larangan ng araling pangwika sa Pilipinas. Sa kabilang banda, wala pang nailalathalang mga publikasyon na nakatuon sa paggamit ng pagpapalit-koda sa pelikulang Pilipino. Sinuri sa pag-aaral na ito ang ugnayan ng nabanggit na sosyolingguwist...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Dreisbach, Jeconiah Louis
Format: text
Published: Animo Repository 2022
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol8/iss1/5
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/dalumat/article/1011/viewcontent/5__Pagpapalit_Koda_bilang_Daluyan_ng_Damdamin_sa__Patay_na_si_Hesus_.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Malawak na ang akademikong literatura ng pagpapalit-koda sa larangan ng araling pangwika sa Pilipinas. Sa kabilang banda, wala pang nailalathalang mga publikasyon na nakatuon sa paggamit ng pagpapalit-koda sa pelikulang Pilipino. Sinuri sa pag-aaral na ito ang ugnayan ng nabanggit na sosyolingguwistikong konsepto sa damdamin ng mga karakter sa multilingguwal at multikultural na pelukulang Patay na si Hesus. Ipinakilala rin ng mananaliksik ang mga terminong pagpapalit-pangungusap (intersentential switching), pagpapalit-sugnay (intrasentential switching), at pagpapalit-pananda (tag switching) bilang salin ng mga uri ng pagpapalit-koda. Makikita sa pagtalakay ng mga resulta na matagumpay na naipakita ng pelikula ang paggamit ng pagpapalit-koda sa pagpapahayag ng damdamin ng mga karakter, partikular na sa pagpapakita ng galit, pagmamahal, pagbibiro, pagkainis, at pagkatuwa. Sa pamamagitan ng pagpapalit-koda, maaaring malampsan ang hadlang ng monolingguwalismo at rehiyunalismo sa bansa.