Ilang Malinaw na mga Negatibong Imahen ng mga Pilipino sa Pelikulang Elcano & Magellan: The First Voyage Around The World

Kontrobersiyal ang Elcano & Magellan: The First Voyage Around the World dahil sa pagtatanghal sa mga kolonyalistang Espanyol at Portuges bilang dakila at magigiting na bayani, habang nagmistulang kontrabida ang paglalarawan sa mga katutubong Pilipino. Gamit ang sosyolohikal na perspektibo ni Erv...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Liwanag, Lois Mauri Anne L., Demeterio, Feorillo Petronilo A., San Juan, David Michael M., Ferrer, Rae Alegria Mir C., Hernandez, Jyllan Kyla Roemi Q
Format: text
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/dalumat/vol10/iss1/1
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/dalumat/article/1023/viewcontent/Manuscript_1.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Kontrobersiyal ang Elcano & Magellan: The First Voyage Around the World dahil sa pagtatanghal sa mga kolonyalistang Espanyol at Portuges bilang dakila at magigiting na bayani, habang nagmistulang kontrabida ang paglalarawan sa mga katutubong Pilipino. Gamit ang sosyolohikal na perspektibo ni Erving Goffman sa framing, layunin ng papel na itong suriin ang paglalarawan sa mga Pilipino mula sa nasabing pelikula partikular na sa mga lumabas na negatibong imahen. Sa unang seksyon, matatalakay ang mga eksenang nagtatampok sa Pilipinas at mga Pilipino at titingnan kung tumutugma ito sa naratibo ni Antonio Pigafetta. May pagkakatulad sa pagitan ng pelikula at salaysay ni Pigafetta, partikular na kung saan humingi ng taripa o alay ang hari ng Cebu, at ninais ni Magellan na matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga tauhan bago siya napaslang ng mga mandirigma ng Mactan. Sa ikalawang seksyon, mailalahad ang ilang positibong imahen ng mga Pilipino tulad ng mala-paraisong imahen ng Cebu, pag-iral ng sibilisasyon at kultura bago dumating ang mga Europeo, ilang positibong katangian ng mga katutubong Pilipino, at pantay na estado ng mga katutubong kababaihan at kalalakihan. Sa huli at ikatlong seksyon, maihahain naman ang mga tema at diskurso sa negatibong imahen ng mga Pilipino, na mayroong apat na sub-seksyon: 1) paglarawan sa mga katutubong Pilipino bilang primitibo at mabangis; 2) korapsyon ng mga pinunong Pilipino; 3) pagsandig ng mga Pilipino sa mga dayuhan; at 4) sekswalisado at subordinadong imahen ng Pilipina. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ipinapakita na instrumental ang pelikula sa paghuhubog ng kultural na (mis)representasyong panlahi.