May tao, may tao sa ilalim ng tulay: Mga mithiin ng mga maralitang taga-lunsod
Ang pag-aaral ay isang paglalarawan na pananaliksik na tumuon sa pag-aalam ng mga mithiin ng mga maralitang taga-lunsod sa ilalim ng tulay. Bukod dito, inalam din ang mga nakikita nilang sagabal at pamamaraan sa pagsasakatuparan ng kanilang mithiin. Nagbigay din ng paglalarawan sa ilalim ng tulay at...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
1992
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9698 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral ay isang paglalarawan na pananaliksik na tumuon sa pag-aalam ng mga mithiin ng mga maralitang taga-lunsod sa ilalim ng tulay. Bukod dito, inalam din ang mga nakikita nilang sagabal at pamamaraan sa pagsasakatuparan ng kanilang mithiin. Nagbigay din ng paglalarawan sa ilalim ng tulay at mga karaniwang gawain nila sa araw-araw. Ipinangkat sa tatlong grupo ang 36 na kalahok: 12 na mga bata (8-12), 12 na kabataan (13-22), at 12 na matatanda (23-60), at tinignan kung may pagkakaiba ang kanilang mithiin, sagabal at pamamaraan ayon sa edad at kasarian. Ang maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit kung saan inabot ang antas ng pakikipagpalagayang-loob. Ang mga kalahok ay nakapanayam ng malaliman kung saan gumamit ng gabay-panayaman ang mga mananaliksik. Batay sa resulta, ang mga mithiin at pamamaraan ng mga bata at kabataan ay naiiba sa mga matatanda. Ukol sa sagabal, hindi pa lubusang nalalaman ng mga bata ang balakid sa kanilang mithiin para sa mga kabataan, pera at sarili at para sa mga matatanda, pera, kawalan ng edukasyon at permanenteng trabaho. Batay sa resulta, ang katayuan sa buhay at kapaligiran ay maaaring magsilbing impluwensiya sa pagbuo ng mithiin, sa pagkita ng sagabal, at pagtakda ng pamamaraan upang maabot ang pangarap. |
---|