Kupido sa radyo: Pag-aaral sa teknik at trigger words ng radio DJ bilang matchmaker sa programang wanted sweetheart

Sa pag-aaral na ito, binigyang pokus ang pag-aaral sa isang programa sa radyo, ang Wanted Sweetheart. Ito ay pinangungunahan ng radio DJ na si Raymart Patrick Goldsmith o mas kilal sa pangalang Papa Bol. Sa pag-aaral na ito isinuri ang nasabing programa partikular na ang paraan ng pagpapares ng DJ s...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Espejo, Ma. Patricia Nicole T., DeFlour, Melvin Lawrence, Ball-Rokeah, Sandra
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9859
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Sa pag-aaral na ito, binigyang pokus ang pag-aaral sa isang programa sa radyo, ang Wanted Sweetheart. Ito ay pinangungunahan ng radio DJ na si Raymart Patrick Goldsmith o mas kilal sa pangalang Papa Bol. Sa pag-aaral na ito isinuri ang nasabing programa partikular na ang paraan ng pagpapares ng DJ sa dalawang hindi magkakilalang caller. Naging pokus ng pag-aaral na ito ang paraan ng pakikipag-usap ng DJ sa callers, partikular na ang teknik at mga trigger words na ginamit niya. Interesanteng malaman ang iba't ibang salik na nakakaapekto sa pag-uusap ng callers sa isa't isa. Ito ang nagtulak para sa mananaliksik upang saliksikin ang bisa ng mga sinasabi ng DJ, bilang matchmaker, sa mga callers na naghahanap ng makarelasyon. Gamit ang teoryang Stimulus-Response na unang natuklasan nina Melvin DeFlour at Sandra Ball-Rokeah, tiningnan ang paraan ng paggamit at bisa ng mga teknik at trigger words ni Papa Bol para mapasalita at maipares ang dalawang caller. Natuklasan sa pag-aaral na itona kumbinasyon ng teknik ng DJ sa pagsasalita ng callers at gaggamit niya ng trigger words sa pakikipag-usap sa kanila ang paraan ng pagtugon ng nasabing DJ sa layunin ng programang magpares ng dalawang hindi mgkakilala callers. Tatlong linggo ang pakikinig ng mananaliksik sa programa. Habang nakikinig ang mananaliksik, binibilang niya ang dami ng beses na ginamit ni Papa Bol ang isang teknik at tina-tally naman ang mga consistent niyang mga tanong sa dalawang callers. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nabibigyan ng kasagutan ang paraan ng pagtugon ng DJ sa layunin ng programang magpres ng dalawang hindi magkakilalang callers. Kumbinasyon ng paggamit ng DJ ng teknik at trigger words ang nakatulong para mapasalita at maipares ang callers. Higit na nakatulong ito sa mga mahiyain, torpe, at pabalang sumagot na mga calelrs. Natutulungan ng DJ na mapasalita ang callers dahil sa mga paksang itinatanong niya sa mga callers para makilala sila ng kausap nila. Nagagabayan ni Papa Bol ang dalawang callers para mapabuti at umunlad ang pakikipag-usap nila sa isa't-isa. Para maging matagumpay ang DJ sa pagpapares ng dalawang calers, nagpapatawa siya sa mga malulungkot at sawing callers. Itinatanong naman niya ang mga lalaki tungkol sa plano nila sa unang pagkikita kasama ang babaeng caller. Sumusunod naman sa payo at turo ng DJ ang mga torpe at kabadong callers ukol sa mga paksang maari nilang itanong kapag makikipag-usap sa kababaihan. Makatutulong ang pag-aral na ito sa pagtuklas ng mga format ng radyo sa Pilipinas. Makikita ang naging ambag ng radyo sa mga tagapakinig, nakikilahok sa programa, at tumatangkilik nito. Malalaman ang epekto at bisa ng mga sinasabi ng rado DJ para matugunana ang kagustuhan ng mga nakikilahok. (callers o/at letter senders) sa programa. Ito ay nagsisilbing panimulang-hakbang lalo pa at kakaunti pa lamang ang mga isinagawang pag-aaral sa bansa kaugnay ng ganitong uri ng programamng panradyo. Mahalaga rin ito dahil pinapalawig pa nito ang paggamit ng wika sa midya. Iang pagpapakilla ang ginawa ng mananaliksik at pagsasama ng interaksyon ng DJ at callers sa usapang paghahanap ng relasyon sa radyo. Sa pag-aaral na ito makikita ang pagsanib ng modernisasyon at kulturang popular sa radyo.