Pakikipagkasundo: Pagpapakahulugan, dahilan, pamamaraan, proseso at kinahihinatnan sa tatlong yugto ng buhay
Ang pag-aaral na ito ay naglayong maisalarawan ang pagpapakahulugan, dahilan, pamamaraan, proseso at kinahihinatnan ng pakikipagkasundo na nagaganap sa mga kabataan, nasa hustong gulang at matatanda. Sa paglikom ng datos, ginamit ang metodong ginabayang talakayan. Apatnapu't walong indibidwal n...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
1998
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9893 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral na ito ay naglayong maisalarawan ang pagpapakahulugan, dahilan, pamamaraan, proseso at kinahihinatnan ng pakikipagkasundo na nagaganap sa mga kabataan, nasa hustong gulang at matatanda. Sa paglikom ng datos, ginamit ang metodong ginabayang talakayan. Apatnapu't walong indibidwal na nakatira sa isang subdibisyon sa Caloocan ang nagsilbing na kalahok ng pag-aaral. Nakalap ang mga kalahok sa pamamagitan ng non-probability purposive sampling technique. Gumamit ng kuwalitatibong pamamaraan sa pag-aanalisa sa mga datos. Nakita na ang pakikipagkasundo ay ginagawa ng tao kapag ang ugnayang pinapahalagahan niya ay nasira at gusto niya itong maayos. Nakikipagkasundo ang indibidwal sa mga taong pinagmamalasakitan niya. Ginagawa ang pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pakikipag-usap, panunuyo at paghingi ng tulong sa tagapamagitan. Layunin nito ang makapagpaliwanag, at makuha ang loob ng taong kinakasundo. Mayroong prosesong nadadaanan ang tao sa kanyang pakikipagkasundo. Ito ay ang pag-iisip, pagpili ng magandang pagkakataon, pakikipag-usap, panunuyo, paggamit ng tagapamagitan na maaaring humantong sa pagpapanatili o pagputol ng ugnayan. Nagkakaiba ang pakikipagkasundo sa tatlong yugto ng buhay base sa kanilang katangian at uri ng ugnayang nabuo.- |
---|