Pasma sa pananaw ng atleta, medikal na personel, at manghihilot: Isang pag-aaral ng kaalamang pangkultura

Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay ukol sa konsepto ng pasma ayon sa pananaw ng mga atleta, mga medikal na personel, at mga manghihilot. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga paniniwala ukol sa pinanggagalingan ng pasma, ang mga nararanasan ng isang tao kapag mayroon siya nito at ang mg...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Dizon, Marissa Ace M., Naval, Melissa R., Rivera, Rowena Grace C.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1996
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9955
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay ukol sa konsepto ng pasma ayon sa pananaw ng mga atleta, mga medikal na personel, at mga manghihilot. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga paniniwala ukol sa pinanggagalingan ng pasma, ang mga nararanasan ng isang tao kapag mayroon siya nito at ang mga pamamaraan upang ito ay mabigyang-lunas. Tinalakay at ipinakita rin sa pag-aaral na ito ang katutubong konsepto kung saan ito napapabilang. Ang mga kalahok ay binuo ng dalawampung (20) atleta mula sa Pamantasan ng De La Salle, dalawampung (20) na medikal na personel mula sa iba't-ibang ospital sa lungsod, at dalawampung (20) na manghihilot mula sa Kalakhang Maynila at kalapit-probinsiya na pawang napili sa pamamagitan ng nilayong pagsampol o Purposive Sampling . Ang metodo ng pananaliksik na ginamit ay ang pakikipanayam. Mula sa mga nalikom na datos, nakabuo ng mga balangkas upang ipakita ang konsepto ng pasma. Lumabas na nagkakaroon ang isang tao ng pasma kapag siya ay napasukan ng lamig lalo na kung pagod. Ito ay ipinaliwanag ng teoryang Humoral. Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng mabuting pangangalaga ng sarili.