Ang kakaibang pagpipitagan at mga ritwal sa mga simbahan ng Quiapo at Baclaran
Ang pag-aaral na isinagawa ay descriptive. Ito ay naglalarawan at nagbibigay liwanag kung bakit isinagawa ng mga tao ang kakaibang pagpipitagan at mga ritwal na itinutuon para sa mga santo. Ang hindi kukulangin sa 60 na lalaki at babae ang ginamit na kalahok sa pananaliksik na ito. Ang 30 ay nagmula...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
1996
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9971 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral na isinagawa ay descriptive. Ito ay naglalarawan at nagbibigay liwanag kung bakit isinagawa ng mga tao ang kakaibang pagpipitagan at mga ritwal na itinutuon para sa mga santo. Ang hindi kukulangin sa 60 na lalaki at babae ang ginamit na kalahok sa pananaliksik na ito. Ang 30 ay nagmula sa Baclaran at ang natirang 30 naman ay nagmula sa Quiapo. Sila'y pinili sa pamamagitan ng non-probability convenient sampling technique. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng metodong pagtatanung-tanong na may halong pakikipagkwentuhan sa pagtipon ng mga kinakailangan datos, sa tulong ng gabay sa pagtatanung-tanong. Ang mga datos na nakuha ay kwalitatibo kung kaya'y content analysis ang ginamit sa pagsusuri nito. Base sa mga resulta ng pag-aaral na ito, lumalabas na ang kadalasang dahilan sa paggawa ng mga ritwal ay dahil sa mga kapalit na maaring idulot nito. Naipakita sa pag-aaral na ito na ang bawat kilos ay may kapalit na makukuha. Sumunod lang dito ang nakagisnan. Nakaugalian na nila ang ganitong gawain dahil sa isang kabuuang bahagi na ito ng kulturang kinabibilangan nila. Sa pagsusuri ng mga pangangatwiran ng mga kalahok sa Baclaran at Quiapo, lumalabas na sinusundan nito ang paglalahad ng konseptwal na pagbabalangkas na nabuo sa kaugnay n literatura. Lumalabas na dito umiikot ang pagpapaliwanag ng kanilang pagsasagawa ng mga ritwal na kung saan ipinapalagay ang mga ito sa pakikutulad, reinforcement, at sikolohiyang pang pangangailangan. Ang ganitong pangangawirtan ay nakapagpapatibay lalo ng mga argumento na maaaring ipalagay ng kahalagahan at ang mga pagkakataon na nagiging bahagi at maling impluwensiya ang mga ritwal sa pamumuhay ng mga to. |
---|