Pagpapadasal ng may bayad: Proseso at pananaw ng mga nagpapadasal at mandarasal kaugnay ng pagpapadasal ng may bayad

Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang phenomenon ng pagpapadasal ng may bayad sapagkat isa itong relihiyosog kaugalian ng mga Pilipino na maaaring sumalamin sa mga pag-iisip at mga paniniwala nila. Inilarawan at sinuri ng pag-aaral na ito ang phenomenon ng pagpapadasal ng may bayad sa pamamagitan ng...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Lagdameo, Andrea May M., Lautengco, Maria Katrina S.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2007
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11271
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang phenomenon ng pagpapadasal ng may bayad sapagkat isa itong relihiyosog kaugalian ng mga Pilipino na maaaring sumalamin sa mga pag-iisip at mga paniniwala nila. Inilarawan at sinuri ng pag-aaral na ito ang phenomenon ng pagpapadasal ng may bayad sa pamamagitan ng paghahambing nito sa dasal na walang bayad. Inilalahad ng mga mananaliksik ang proseso ng pagdadasal ng may bayad kaugnay ng dasal na walang bayad ayon sa impormasyon na ibibigay ng mga mandarasal na walang bayad, mandarasal na may bayad at nagpapadasal. Inalam din ang mga pananaw ng mga kalahok ukol sa Diyos, dasal, rellihiyon at kapwa. Ang mga nabangggit na pananaw ng mga kalahok ay inihambing sa isa’t isa. Ito ay ginawa upang malaman kung ang mga nasabing pananaw ay mayroong kaugnayan sa mga pananaw ng kalahok sa pagpapadasal na may bayad, pagpapadasal na walang bayad at pagdadasal. Isang esploratoryong paglalarawan ang pag-aaral na ito. Kinalahukan ng 21 na tao ang pag-aaral, na bumuo sa mga grupo ng mga mandarasal na may bayad, mandarasal na walang bayad at mga nagpapadasal. Sa pagkuha ng mga kalahok ay purposive sampling ang ginamit sapagkat mayroong mga napagkasunduang batayan ang mga mananaliksik kung sino ang makakalahok. Interbyu and metodo na ginamit ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga kalahok. Sa pagaanalisa ng datos na nakalap ay ginamitan ng content analysis. Napag alaman na mayroong mahalagang pagkakaiba ang saloobin, dahilan, intension at pananaw sa Diyos, dasal, relihiyon at kapwa ang tatlong grupong kalahok. At ang mga pagkakaibang ito ay nakakaimpluwensiya kung bakit sila nagpapadasal ng may bayad.