Nasaan ang pera ni Juan?: Paggamit ng pera batay sa mga salik na nagreresulta sa pagkakuntento

Pinag-aralan ang tatlong salik, pang-abstrak na depinisyon ng pera (kognitibo), neyurotisismo at pagsusubi kung ito man ay nakakaapekto sa kabuuang pagkakuntento ng tao sa buhay. Dahil napakita ng literatura na ang tatlong aspeto na ito, abstrak na depinisyon ng pera, neurotisismo at pagsusubi ay na...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Cunanan, Sarah D., Dominguez, Gabrielle G., Habaluyas, Robert Kevin R., Yao, Rowena H.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2015
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11273
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Pinag-aralan ang tatlong salik, pang-abstrak na depinisyon ng pera (kognitibo), neyurotisismo at pagsusubi kung ito man ay nakakaapekto sa kabuuang pagkakuntento ng tao sa buhay. Dahil napakita ng literatura na ang tatlong aspeto na ito, abstrak na depinisyon ng pera, neurotisismo at pagsusubi ay nakakaapekto sa pagdedesisyon ng isang tao, at dahil nakita na ang pagdedesisyon ay nakakaapekto sa pagkakuntento sa buhay, ang tatlong salik na ito ay maaaring may mahalagang koneksyon sa pagkakuntento sa buhay. Para sa mga mananaliksik ito ay makakatulong sa pangaraw araw na buhay ng mga Pilipinong estudyante upang sila ay magabayan sa kanilang pagdedesisyon para sa isang mas mataas na pagkakuntento sa buhay. Gumawa ng sariling instrumento ang mga mananaliksik para sa pangabstrak na depinisyon ng pera at pagsusubi, ginamit naman ang IPIP NEO Neuroticism Sale at Life Satisfaction scale upang sukatin ang mga salik ng pag-aaral. Gumamit ng Multiple regression ang pag-aaral na ito upang mas siyasatin pa ang epekto ng mga salik. Naging positibo ang epekto ng pagsusubi at neyurotisismo sa pagkakuntento sa buhay ngunit naging isang negatibong epekto ang pangabstrak na depinisyon ng pera sa pagkakuntento maaring ito ay dahil sa nagdedepende ang depinisyon ng pera sa kung nasaang konteksto ang tao.