Ang persepsyon ng mga babaeng biktima ng incest sa kanilang salarin at ang kasalukuyang pakikisalamuha nila sa kalalakihan
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang persepsyon ng mga babaeng biktima ng incest sa kanilang salarin bago at matapos ang akto ng incest, ang ang kasalukuyang pakikisalamuha ng mga ito sa kalalakihan. Nakuha ang limang (5) kalahok sa pamamagitan ng referral at ang paraan...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2002
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11716 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang persepsyon ng mga babaeng biktima ng incest sa kanilang salarin bago at matapos ang akto ng incest, ang ang kasalukuyang pakikisalamuha ng mga ito sa kalalakihan. Nakuha ang limang (5) kalahok sa pamamagitan ng referral at ang paraan ay non-probability purposive sampling. Ang mga kalahok ay pawang mga kababaihan na may edad 10-20 taong gulang at ang kanilang karanasan ng incest ay nangyari sa pagitan ng childhood at adolescent na yugto ng kanilang buhay. Ang mga kalahok ay dumaan sa malalimang pakikipanayam bilang metodo ng pagkalap ng datos na ginamitan ng semi-structured na gabay para sa instrumento. Bunga ng masusing pagsusuri ng mga datos na nakuha, napag-alaman na mayroong naging pagkakaiba sa persepsyon ng mga biktima sa kanilang salarin bago at matapos mangyari ang incest sa kanilang buhay. Ang pagkakaibang ito ay makikita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong persepsyon ang biktima sa kanyang salarin bago mangyari ang incest na naging negatibong persepsyon matapos mangyari ang incest. Maging ang kanilang pakikisalamuha sa kamag-anak na lalake at ibang kalalakihan ay nagkaroon ng pagkakaiba habang ang kanilang pakikisalamuha sa mga kaibigang lalake ay nanatiling halos magkatulad, bago at matapos mangyari ang incest. |
---|