WANTED...Yaya para kay lolo at lola: Pag-unawa sa mga tagapag-alaga ng matatandang may dementia sa Pilipinas
Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong pag-aaral tungkol sa pag-unawa ng mga tagapag-alaga ng matandang may dementia. Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang mga karanasan, nararamdaman at pananaw sa buhay ng mga tagapag-alaga ng mga matatandang may dementia. Gumamit ang mga mananaliksik...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2002
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11736 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong pag-aaral tungkol sa pag-unawa ng mga tagapag-alaga ng matandang may dementia. Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang mga karanasan, nararamdaman at pananaw sa buhay ng mga tagapag-alaga ng mga matatandang may dementia. Gumamit ang mga mananaliksik ng referral sampling teknik para sa pagkuha ng mga tagapagbatid at malalimang panayam sa pagkalap ng datos. Ang mga tagapagbatid ay mga personal at propesyonal na tagapag-alaga. Case analysis ang ginamit sa paglalahad ng datos samantala, content analysis naman ang ginamit sa pagsuri ng datos. Ang dahilan kung bakit naging tagapag-alaga, ang papel na ginagampanan, ang mga problemang hinarap at hinaharap, ang mga pangangailangan, ang mga benepisyo, ang epekto ng kanyang pag-aalaga sa personal na relasyon, ang implikasyon ng ginagawa ng mga tagapag-alaga sa kanyang inaalagaan at ang dapat maging katangian ng isang mahusay na tagapag-alaga ang mga naging paksa ng pag-aaral. Nalaman ng mga mananaliksik na maraming papel ang ginagampanan ng isang tagapag-alaga ng matandang may dementia at maraming problemang kinahaharap ang mga ito. Kinakailangan ng isang tagapag-alaga ng pasensiya, pag-iintindi, pagkakaroon ng tiyaga at malasakit para sa inaalagaan. Nakita rin ng mga mananaliksik na sa kabila ng mga problema na nararanasan ng isang tagapag-alaga, kinakailangan na maging matatag ang relasyon ng isang tagapag-alaga at ang kanyang inaalagaan. |
---|