Baduy mo, tsong! isang pag-aaral sa konsepto ng pagiging baduy
Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratibong pag-aaral ukol sa konsepto ng pagiging baduy. Layunin ng pananaliksik na ito ang malaman kung kailan ginagamit ng tao ang salitang baduy at kung anu-ano ang mga batayan niya upang masabi ang isang tao ay baduy. Isa itong maka-Pilipinong pananaliksik na...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2002
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11737 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratibong pag-aaral ukol sa konsepto ng pagiging baduy. Layunin ng pananaliksik na ito ang malaman kung kailan ginagamit ng tao ang salitang baduy at kung anu-ano ang mga batayan niya upang masabi ang isang tao ay baduy. Isa itong maka-Pilipinong pananaliksik na naghahangad na maintindihan ang saloobin ng Pilipino ukol sa konseptong Pilipino. Gumamit ang mga mananaliksik ng purposive sampling technique na mayroong elemento ng convenience sampling. Pinili ang katutubong metodo na pagtatanung-tanong sa pangangalap ng datos. Umabot sa 34 na kalahok mula sa Pamantasang De La Salle ang nakausap. Napag-alaman na walang unibersal o pangkalahatang pagpapakahulugan sa konsepto ng pagiging baduy ngunit magkakahalintulad ang mga tema ng mga batayan ng mga tao sa pagbuo nila ng naturang konsepto na may kinalaman sa pisikal na katangian at sa pananalita at kilos of gawi. Nakitang ang mga kaakibat na konsepto sa baduy ay may kinalaman sa nawawala sa uso at nagiging laos, hindi tumutugmang kulay ng pananamit, corny, paulit-ulit na nagiging nakakasawa, panggagaya, trying hard, hindi kayang dalhin, at hindi bagay. Ang mga ito ang siyang nakapagbuo ng konsepto ng pagiging baduy. Ang pag-aaral ukol sa konseptong ito ay kauna-unahang naitala sa larangan ng Sikohiyang Pilipino. |
---|