Okey lang: Okey lang ba talaga?

Inilarawan sa pag-aaral na ito ang iba't-ibang konseptong nakapaloob sa paggamit ng mga Pilipino ng mga katagang "okey lang." Eksploratoryo-deskriptibo ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Gumamit ng larangang leksikal at ng ginabayang talakayan upang malaman ang mga sumusunod: (1)...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Abrenica, January G., Badillo, Rose Christine D., Rios, Monica F.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2002
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11739
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-12384
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-123842021-09-03T03:36:25Z Okey lang: Okey lang ba talaga? Abrenica, January G. Badillo, Rose Christine D. Rios, Monica F. Inilarawan sa pag-aaral na ito ang iba't-ibang konseptong nakapaloob sa paggamit ng mga Pilipino ng mga katagang "okey lang." Eksploratoryo-deskriptibo ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Gumamit ng larangang leksikal at ng ginabayang talakayan upang malaman ang mga sumusunod: (1) ang mga kahulugang ikinakabit sa naturang mga kataga, (2) sa anong konteksto at kanino ito madalas gamitin, (3) mga dahilan sa paggamit nito, (4) mga nararamdaman at iniisip kapag gumagamit at ginagamitan nito, at (5) ang kaugnayan ng pagsambit ng "okey lang" sa pag-uugaling Pilipino. Sa pagkuha ng mga kalahok, di-pasumala ang pamamaraan at pinili ang mga ito ayon sa tatlong baryabol: kasarian, edad, at katayuang panlipunan. Nagkaroon ng labingdalawang (12) sesyon ng ginabayang talakayan kung saan ang bawat grupo ay kinabilangan ng sampung (10) kalahok. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng kontent analisis at mula rito ay nakabuo ang mga mananaliksik ng iba't-ibang mga kategorya Napag-alamang may pagkakaiba sa paggamit ng "okey lang" ayon sa kasarian, edad, at katayuang panlipunan. Marami ring kahulugan ang ikinakabit sa naturang mga kataga. Ginagamit ito sa iba't-ibang konteksto o sitwasyon at nag-iiba-iba ang gamit nito depende kung sino ang kausap ng indibidwal. Nabatid din na sari-sari ang nararamdaman at iniisip ng isang indibidwal kapag siya ay gumagamit at ginagamitan ng "okey lang". Sa mga dahilang ibinigay ng mga kalahok sa kanilang paggamit ng "okey lang," makikitang may iba't-ibang implikasyong nakapaloob sa pagsambit ng naturang mga kataga. Una ay ang pagsasabing nakasanayan lamang ito gamitin dahil sa uso ang pagsambit ng "okey lang" sa ngayon. Pangalawa, dahil sa kagustuhang mapanatili ang maayos na pakikitungo sa ibang tao o sa kapwa, nasasabi ang "okey lang" kahit hindi lubusang sumasang-ayon ang indibidwal sa kanyang kausap. Panghuli, ginagamit ang "okey lang" bilang isang kasangkapan dahil may ibang motibo o binabalak ang indibidwal sa pakikipagtalastasan nito sa ibang tao. Sumailalim dito ang kagustuhang matapos na ang usapan, kagustuhang makapagbigay ng mabilis o ligtas na kasagutan, o di kaya ay tinatamad ng mag-isip ng iba pang sasabihin sa kausap. 2002-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11739 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
description Inilarawan sa pag-aaral na ito ang iba't-ibang konseptong nakapaloob sa paggamit ng mga Pilipino ng mga katagang "okey lang." Eksploratoryo-deskriptibo ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Gumamit ng larangang leksikal at ng ginabayang talakayan upang malaman ang mga sumusunod: (1) ang mga kahulugang ikinakabit sa naturang mga kataga, (2) sa anong konteksto at kanino ito madalas gamitin, (3) mga dahilan sa paggamit nito, (4) mga nararamdaman at iniisip kapag gumagamit at ginagamitan nito, at (5) ang kaugnayan ng pagsambit ng "okey lang" sa pag-uugaling Pilipino. Sa pagkuha ng mga kalahok, di-pasumala ang pamamaraan at pinili ang mga ito ayon sa tatlong baryabol: kasarian, edad, at katayuang panlipunan. Nagkaroon ng labingdalawang (12) sesyon ng ginabayang talakayan kung saan ang bawat grupo ay kinabilangan ng sampung (10) kalahok. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng kontent analisis at mula rito ay nakabuo ang mga mananaliksik ng iba't-ibang mga kategorya Napag-alamang may pagkakaiba sa paggamit ng "okey lang" ayon sa kasarian, edad, at katayuang panlipunan. Marami ring kahulugan ang ikinakabit sa naturang mga kataga. Ginagamit ito sa iba't-ibang konteksto o sitwasyon at nag-iiba-iba ang gamit nito depende kung sino ang kausap ng indibidwal. Nabatid din na sari-sari ang nararamdaman at iniisip ng isang indibidwal kapag siya ay gumagamit at ginagamitan ng "okey lang". Sa mga dahilang ibinigay ng mga kalahok sa kanilang paggamit ng "okey lang," makikitang may iba't-ibang implikasyong nakapaloob sa pagsambit ng naturang mga kataga. Una ay ang pagsasabing nakasanayan lamang ito gamitin dahil sa uso ang pagsambit ng "okey lang" sa ngayon. Pangalawa, dahil sa kagustuhang mapanatili ang maayos na pakikitungo sa ibang tao o sa kapwa, nasasabi ang "okey lang" kahit hindi lubusang sumasang-ayon ang indibidwal sa kanyang kausap. Panghuli, ginagamit ang "okey lang" bilang isang kasangkapan dahil may ibang motibo o binabalak ang indibidwal sa pakikipagtalastasan nito sa ibang tao. Sumailalim dito ang kagustuhang matapos na ang usapan, kagustuhang makapagbigay ng mabilis o ligtas na kasagutan, o di kaya ay tinatamad ng mag-isip ng iba pang sasabihin sa kausap.
format text
author Abrenica, January G.
Badillo, Rose Christine D.
Rios, Monica F.
spellingShingle Abrenica, January G.
Badillo, Rose Christine D.
Rios, Monica F.
Okey lang: Okey lang ba talaga?
author_facet Abrenica, January G.
Badillo, Rose Christine D.
Rios, Monica F.
author_sort Abrenica, January G.
title Okey lang: Okey lang ba talaga?
title_short Okey lang: Okey lang ba talaga?
title_full Okey lang: Okey lang ba talaga?
title_fullStr Okey lang: Okey lang ba talaga?
title_full_unstemmed Okey lang: Okey lang ba talaga?
title_sort okey lang: okey lang ba talaga?
publisher Animo Repository
publishDate 2002
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11739
_version_ 1712577533715677184