Tingin sa sarili ng tatlong ina maralitang ina na taga-lungsod

Nilayon ng pag-aaral na itong ilarawan ang tingin sa sarili ng mga maralitang inang taga-lungsod sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang mga pang-araw-araw na gawain, gaano katagal nila ginagampanan ang mga gawaing ito, at kung sinu-sino ang kanilang mga nakakasalamuha. Ang kanilang mga gawain at p...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Cainto, Maria Theresa C., Gonzales, Avigale S., Rivera, Anna Angela C.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2000
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11741
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Nilayon ng pag-aaral na itong ilarawan ang tingin sa sarili ng mga maralitang inang taga-lungsod sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang mga pang-araw-araw na gawain, gaano katagal nila ginagampanan ang mga gawaing ito, at kung sinu-sino ang kanilang mga nakakasalamuha. Ang kanilang mga gawain at pakikitungo sa iba, habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin, ay maaaring batayan ng kung ano ang tumatakbo sa kanilang mga isipan at kung paano nila tinitingnan ang kanilang sarili sa isang partikular na konteksto. Malaki ang ginagampanang papel ng mga ina sa pagpapatnugot ng lipunan kaya't mahalagang pag-aralan kung sino sila. Upang makalap ang mga kinakailangang datos, kinapanayam ng mga mananaliksik ang tatlong ina sa Welfareville Compound, Mandaluyong. Sa pamamagitan ng impormal na interbyu, pakikipagkwentuahan, at naturalistic observation, nakagawa ang mga mananaliksik ng isang deskriptibong paglalahad ng kung ano ang mga papel na ginagampanan ng mga ina. Mula dito, napag-alamang ang tingin sa sarili ng mga ina sa isang partikular na konteksto ay naipapakita sa kanilang papel bilang asawa, ina, ina ng tahanan o homemaker, at kapwa. Sa mga ito, nailahad na ang sariling angkin ng pagiging ina ay nakabuhol sa pamilya.