Ang penomena ng paghihiganti ayon sa mga bilanggo

Ang pag-aaral ay nauukol sa penomena ng paghihiganti ayon sa mga bilanggo. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang mailarawan ang paghihiganti ayon sa mga sitwasyon na nag-udyok, emosyong napapaloob bago, habang at pagkatapos maghiganti at sa pamamaraan ng paghihiganti. Gum...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Cruz, Rolando B., De Guzman, Ronald Joseph A., Landrito, Michael Marion C.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1999
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11798
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral ay nauukol sa penomena ng paghihiganti ayon sa mga bilanggo. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang mailarawan ang paghihiganti ayon sa mga sitwasyon na nag-udyok, emosyong napapaloob bago, habang at pagkatapos maghiganti at sa pamamaraan ng paghihiganti. Gumamit ng malalimang panayam upang makakuha ng datos sa walong bilanggo na bahagi ng pag-aaral. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng pagtingin ng mga temang lumitaw, mula sa ipinagsama-samang sagot. Lumabas sa pag-aaral na ang mga sitwasyon na nag-udyok sa mga bilanggo upang maghiganti ay pang-aapi, paggawa ng masama sa kanilang minamahal at pagtapak sa kanilang pagkalalaki. Sa mga emosyong napapaloob, bago maghiganti, lahat ng mga kalahok ay nakaramdam ng galit at benggatibo, habang naghihiganti ang ilan ay nakaramdam ng pagkawala sa sarili at pagkatapos maghiganti, halos lahat ay walang naramdaman na pagsisisi. Ang mga kalahok ay gumamit ng dahas upang makapaghiganti.