Mga naglilive-in na heterosekswal at homosekswal: Isang pag-aaral sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling nagsasamang heterosekswal at homosekswal

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling nagsasamang heterosekswal at homosekswal (kapwa 2gay3 at lesbian3) sa iba’t ibang aspeto ng pagsasama kagaya ng proseso ng pagsisimula ng pagsasama, papel na ginagampanan ng bawat isa sa relasyon at paraan ng pagpapa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Castillo, Rowena R., Sy, Michelle N., Uy, Andrea Marie Bernadette L.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1999
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11804
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling nagsasamang heterosekswal at homosekswal (kapwa 2gay3 at lesbian3) sa iba’t ibang aspeto ng pagsasama kagaya ng proseso ng pagsisimula ng pagsasama, papel na ginagampanan ng bawat isa sa relasyon at paraan ng pagpapanatili at pagpapatibay nito. Gumamit ang mga mananaliksik ng 2chain-referral sampling3 sa pagpili ng siyam na pares ng mga nagsasamang kalahok. Sa pagkuha ng datos, gumamit ng malalimang pakikipanayam, kung saan, ang mga pares na kalahok ay malayang nakapaglahad ng kanilang karanasan sa pagsasama. Ang mga nakalap na datos mula sa siyam na sesyon ng pakikipanayam ay sinuri sa pamamagitan ng 2content analysis3. Mula sa pag-aaral na ito, napag-alamang may mga pagkakatulad at pagkakaibang makikita mula sa mga pagsasamang heterosekswal at homosekswal. Makikita ang mga pagkakatulad at pagkakaibang ito mula sa iba’t ibang aspeto ng pagsasama. Gayundin, napag-alamang higit na pagkakatulad ang makikita mula sa pagsasama ng mga heterosekswal at lalakeng homosekswal (gay) kumpara sa pagsasama ng mga babaeng homosekswal (lesbian).