Isang pagsusuri sa unyong BP-NAFLU ng Rubberworld

Dahil sa naglipana ang mga mapagsamantala sa sektor ng mga kapitalista ay minabuti naming magsagawa ng isang pag-aaral upang, magkaroon ng mas malalim na pangunawa sa mga suliranin ng mga manggagawa. Ang BP-NAFLU ang siyang ginawa naming ehemplo nang sa gayon ay masimulan namin ang pagsasaliksik. Si...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Gemanil, Emillie, Magbuhos, Anna Rose, Marquez, Margarita
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1988
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/17499
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Dahil sa naglipana ang mga mapagsamantala sa sektor ng mga kapitalista ay minabuti naming magsagawa ng isang pag-aaral upang, magkaroon ng mas malalim na pangunawa sa mga suliranin ng mga manggagawa. Ang BP-NAFLU ang siyang ginawa naming ehemplo nang sa gayon ay masimulan namin ang pagsasaliksik. Sinuri namin ang kalagayan ng kasalukuyang unyon sa Rubberworld isang maunlad na kompanya ng mga sapatos. Ayon na rin sa kanilang kasaysayan ay maganda ang hinaharap ng unyon at ng mga manggagawa dahil sa sila ay napapasailalim sa mabubuting mga kamay. Para sa kanila ang kanilang unyon ay hindi lamang naglalayong sumagot o tumugon sa mga problema sa loob ng pagawaan, kundi sa mga usaping nasyonal. Sila ay hindi lamang tumatayo bilang mga manggagawa ng Rubberworld kundi nakikiramay rin sa mga ibang manggagawa ng ibang kompanya. Dahil nga sa progresibo ang kanilang unyon ay nagkaroon ng liwanag ang kanilang kahilingan, at ito ay mapapatunayan ng kasalukuyang CBA.