Utang na loob, tiwaling ugaling Pilipino?

Ang utang na loob, ay isa lamang sa mga kaugaliang nakagisnan nating mga Pilipino na ayon sa aking pananaw ay dapat na simulang baguhin at salungatin. Hindi ito nakatutulong sa pagunlad ng isang tao at marahil ng buong lipunang kanyang ginagalawan. Hindi isang obligasyon na tanawin ninuman ang mga a...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Lacay, Ramilo Manabat
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 1996
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/1317
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Ang utang na loob, ay isa lamang sa mga kaugaliang nakagisnan nating mga Pilipino na ayon sa aking pananaw ay dapat na simulang baguhin at salungatin. Hindi ito nakatutulong sa pagunlad ng isang tao at marahil ng buong lipunang kanyang ginagalawan. Hindi isang obligasyon na tanawin ninuman ang mga anumang kabutihang asal na ipinakita ng isang nilalang. Hindi ito batayan ng mabuting pakikipag-kapwa tao. Ang pakikipagkapwa-tao ay isang gawaing taos pusong ginagawa. Ang pagdamay at pagtulong sa mga nangangailangan ay tinuturan ng walang hinihintay na kapalit. Tayong mga Pilipino ay napakahusay makibagay sa kahit sinuman at laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Pakiwari ng mga Pilipino na kung ano man ang iyong itanim ay iyon rin ang iyong aanihin, tulad ng kung ano ang gawin mo sa kapwa mo ay iyon rin ang kanyang gagawin sa iyo (Timbreza 1982:74). Batid ng bawa't isa na walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kailangan at kakailanganin natin ang tulong ng iba maging tayo man ay mayaman o mahirap sa kalagayan ng buhay. Ngunit ang pagtulong sa kapwa ay dapat na may hangganan. Hindi binibilang ang dami ng natulungan, ang higit na mahalaga ay ang pagtulong ng hindi umaasang sa paglaon ikaw rin ay kanyang matutulungan. Kung minsan ay tinatapatan pa ng mga nakasisilaw na materyal na bagay ang bawat pabor at tulong na ibinigay. Ang hindi naiintindihan ng iba sa atin ay hindi nababayaran ng anumang salapi ang kagandahang asal at kagandahang loob sapagkat ito ay nililinang, pinag-aaralan, isinasabuhay at parang batang patuloy na inaalagaan.Sa kabila ng pagkaka-iba-iba ng mga tao sa kanyang paggawa at pamumuhay lumilitaw ang isang katotohanan. Ang pagtulong ay isang karapatan na dapat ilagay sa tamang konsepto. Mahalaga na pag-ukulang pansin ang katotohanan at ang nararapat. Hindi masama ang tumanaw ng utang na loob ngunit limitahan natin ang konseptong ito sa kanyang literal na kahulugan tumanaw, tanawin, at isa-isip, subalit ang payagan pang saklawan nito ang mga susunod pang paggalaw at hakbangin ay sadyang kalabisan.