Ang representasyon ng mahihirap sa lipunan sa Umaga sa Dapithapon at iba pang Akda ni Simplicio P. Bisa.

Abstrak. Ang pag-aaral na ito ay nais na makita kung paano ipakita ng isang manunulat sa kanyang mga likha ang mga tao na kabilang sa mas nakabababang antas ng lipunan kung ang pagbabasihan ay ang pinansiyal na katayuan sa buhay. Para sa pag-aaral na ito ay napiling bigyan ng pansin ang isang manunu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gisala, Margaret P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1997
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/1697
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Abstrak. Ang pag-aaral na ito ay nais na makita kung paano ipakita ng isang manunulat sa kanyang mga likha ang mga tao na kabilang sa mas nakabababang antas ng lipunan kung ang pagbabasihan ay ang pinansiyal na katayuan sa buhay. Para sa pag-aaral na ito ay napiling bigyan ng pansin ang isang manunulat na may libro na koleksiyon ng mga maiikling kuwento, na ang karaniwang tema ay ang pagpapakita ng mga buhay ng mga mahihirap sa lipunan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ay nabigyang pansin ang naging buhay ng manunulat, ang mga naging impluwensiya sa kanyang pagsusulat, ang mga prosesong kanyang pinagdaanan upang makalikha ng mga maiikling kiwento at kung ano ang naging tema ng kanyang mga kuwento. Ngunit binigyan ng mas mariing pansin kung paano niya iponortray ang mga mahihirap nating mga kababayan sa kanyang mga kuwento. Matapos ang pag-aaral, ang pagpapanayam, ay makikita na si Simplicio P. Bisa ay isang manunulat na nagsulat sa paraan na simple at natural, sa pamamagitan ng pagsusulat sa kung ano ang kanyang nakita, narinig at nasaksihan tungkol sa mga taong ito na nasa antas sa kanilang pinaglalagyan sa lipunan. Ang kanyang mga kuwento ay koleksiyon ng mga pangyayaring malapit sa katotohanan, nagpakita sa kalagayan ng mga taong ito sa kanilang normal na anyo, seting at sitwasyon. Ganoon lamang kasimple at kanatural.