Pormula ng pag-ibig : isang strukturalistang pagsusuri ng Filipino romance novels sa dekada nobenta.

Abstrakt. Isang uri ng pop culture na kinagigiliwan ng marami nating mga kababayan ngayon ay ang mga Tagalog Romance novels. Hinangad ng pag-aaral na ito ang pagtuunan ng pansin ang popular na panitikang ito na hindi pa gaanong nabibigyang pansin sa Pamantasang De La Salle. Naging layunin ng pag-...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Buen, Rex Cauilan
Format: text
Published: Animo Repository 1999
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/1711
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Abstrakt. Isang uri ng pop culture na kinagigiliwan ng marami nating mga kababayan ngayon ay ang mga Tagalog Romance novels. Hinangad ng pag-aaral na ito ang pagtuunan ng pansin ang popular na panitikang ito na hindi pa gaanong nabibigyang pansin sa Pamantasang De La Salle. Naging layunin ng pag-aaral ang pagtalakay sa istruktura ng mga nobelang Romansa. Dahil madalas na ikuwento ang mga nobela sa anyong pasalaysay, ginamit para sa pag-aaral ang teorya ni Vladimir Propp tungkol sa morpolohiya o strukturalistang pananalaysay. Ginaya ang estilo ni Propp sa paghahanap ng mga functions-mga aksyon na paulit-ulit na nakikita sa mga nobela. Limang Filipino romance novels ang ginamit sa pagsusuri. May apatnapu't-limang funksyons ang natagpuang ginamit sa mga nobelang pinag-aralan. Maliban sa apatnapu't-limang funsksyon, meron ding pitong uri ng tauhan na sumasaklaw sa mga aksyon ng mga kuwento. Ang mga ito ay ang Bida, Iniirog, Kaagaw, Kontrabida, Katulong, Biktima, at Tagapagpayo. Sila ang mga tauhang nagpapagalaw sa daloy ng kuwento. Dahil naging tampulan ng pag-aaral ang istruktura, minarapat na ring isali ang teorya ni Soledad Reyes tungkol sa istruktura ng pakikipagsapalaran na ayon sa kanya ay matatagpuan sa mga akdang may Romance mode. Ang ideya sa likod ng istruktura ng pakikipagsapalaran ay ang paglampas ng bida sa bawat hadlang o problema na sasalubong sa kanyang landas at ang pagwawagi sa huli. Natagpuan na may sinusundan ring pormula ang mga nobelang romansa ayon sa istruktura ng pakikipagsapalaran. Ang pormulang ito ay maaaring single move, kung saan ang daloy ng kuwento ay nakabase sa karanasan ng isang tauhan o multiple action, kung saan ang daloy ng kuwento ay nakabase sa karanasan ng dalawa o marami pang tauhan. Kadalasan ay mala-labyrinthine o paikot-ikot ang pormula ng pagsasalaysay ng mga kuwento. Natagpuan rin ang escapist tendencies ng mga nobelang Romansa sa pamamagitan ng mga sumusunod: mala-labyrinthine na anyo, na may hangaring lalong mawili ang mambabasa konsepto ng pakikipagsapalaran, kung saan ang bida ay laging magwawagi mga pangunahing tauhan na madalas ay mga mayayaman at walang kapintasan sa mukha o katawan pag-iibang lugar ng mga pangunahing tauhan, pagpunta sa mga lugar na naiiba sa mundong araw-araw nilang nakikita. Ang layunin ng mga natagpuang elemento ay upang panandaliang malimutan ng mambabasa ang masaklap na realidad. Base sa mga nakuhang datos ng pananaliksik na ito ay masasabi nating ang strukturalistang pamamaraan ay mabisang gamitin sa pagsusuri ng Filipino romance novels. Inererekomenda ng mag-aaral para sa mga susunod na manunuri ng nobelang romansa ang paggamit din ng ibang pamamaraan maliban kay Propp upang lalong maunawaan ang uri ng panitikang ito.