Ang imahen ng pulis sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr.
Sa kasalukuyang panahon, hindi maganda ang pagtanggap ng mga tao sa imahen ng mga kapulisan sa Pilipinas. Dahil dito, naglunsad nang programa ang Philippine National Police o PNP na tinawag na Mamang Pulis upang pagandahin ang imahen ng mga pulis sa publiko at nanawagan sa midya na palitan ang imahe...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2009
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2314 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Sa kasalukuyang panahon, hindi maganda ang pagtanggap ng mga tao sa imahen ng mga kapulisan sa Pilipinas. Dahil dito, naglunsad nang programa ang Philippine National Police o PNP na tinawag na Mamang Pulis upang pagandahin ang imahen ng mga pulis sa publiko at nanawagan sa midya na palitan ang imahen ng ipinapakita sa mga pelikula at telebisyon, na kung saan ang imahen ng pulis ay masama.
Ang papel na ito ay susuriin ang mga pelikula ni Fernando Poe, Jr., ang isa sa pinakasikat na artista sa kasaysayan ng Pilipinas at binansagang Da King ng mga pelikulang Pilipino. Titignan dito ang mga imahen ng mga pulis sa mga napiling pelikula, upang makita ang mga imaheng lumalabas sa mga pelikula batay sa eksena.
Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, makikita kung ano ang mga mabubuti at masasamang imahen sa mga pelikula ni FPJ. Nais din ipakita ng papel na ito kung anong imahen ang mas nananaig, kung ito ba ay ang mabuting imahen ng pulis o ang masamang imahen ng pulis. |
---|