Ang tambalan ng isang balasubas at ng isang balahura isang gawing komunikasyong F/Pilipino

Ang pag-aaral na ito ay isang paglalarawan sa programang Ang Tambalan ng Isang Balasubas at ng Isang Balahura mula sa 90.7 Love Radio. Kinilala nito ang kultura ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagtalakay sa pagbibigay ng programa ng panibagong kahulugan sa mga salitang balasubas at balahura. Na...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Mendoza, Jaimee G.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2008
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2320
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay isang paglalarawan sa programang Ang Tambalan ng Isang Balasubas at ng Isang Balahura mula sa 90.7 Love Radio. Kinilala nito ang kultura ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagtalakay sa pagbibigay ng programa ng panibagong kahulugan sa mga salitang balasubas at balahura. Nakasaad sa pag-aaral ang pagkilala sa mga aktor, pag-uugali at teksto ng programa. Ginamit ang Pagsusuring Tekstwal sa iskrip ng programa bilang ebideniya ng proseso ng pagbabago ng salitang mga balasubas at balahura. Ang mga aktor na sina Chris Tsuper at Nicole Hyala ay tinalakay dahil sa kanilang pagsasatao ng pagiging balasubas at balahura at ang kanilang relasyon sa mga tagapakinig. Ang mga nakagawiang pag-uugali pag-iisip ng tagapakinig ay ipinakita at inihabi sa konsepto ng pagiging balasubas at balahura. Naipakita sa pag-aaral na ang nakagawiang komunikasyong Filipino ay maaring magbago sa pamamagitan ng pagrerepresenta at pagimpluwensiya ng midya.