Youngblood bilang representasyon ng kabataan: Kabataang may pakialam o ang gen textY
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Descriptive Content Analysis Method upang matugunan ang mga layuning: makilala ang kasalukuyang kabataan, makita ang Youngblood bilang instrumento sa pamamahayag ng kabataan, at makalikha ng bagong katawagan sa kasalukuyang henerasyon. Gamit ang pagsusuring tekstwa...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
2008
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2327 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Descriptive Content Analysis Method upang matugunan ang mga layuning: makilala ang kasalukuyang kabataan, makita ang Youngblood bilang instrumento sa pamamahayag ng kabataan, at makalikha ng bagong katawagan sa kasalukuyang henerasyon.
Gamit ang pagsusuring tekstwal at pagsusuri ng nilalaman (Content Analysis), hinati ng mananaliksik ang limampu't tatlong (53) sanaysay na nailathala sa Youngblood sa tatlong kategorya: Sosyopulitikal, Kultural, at Sikolohikal. Pinakita din ang pag-ikot ng aksyon mula pagbasa tungo sa pagsulat ng indibidwal, gamit ang Youngblood bilang instrumento kaakibat ang mga teoryang: Narrative Theory (Fisher), Reception Theory (Jauss), Cultural Norms Theory (deFleur), Cultivation Theory (Gerbner), at Media Dependency Theory (Ball-Rokeach at DeFleur). Upang matugunan ang huling layunin, nagdalumat ang mananaliksik ng Pakialam at ihinambing ito sa kasalukuyang kabataan, sa tulong ng pakikipanayam sa patnugot ng Youngblood. Sa paghiraya sa makabago at mas-Pilipinong terminong para sa kabataang Pilipino, nabuo ng mananaliksik ang katawagang Generation textY : Ang henerasyong may pakialam.
Isang malaking hakbang tungo sa pagkakakilala sa kabataan ang pananaliksik na ito. Ang katawagang Generation textY , kasama na rin ang ibang kaisipang nakuha mula sa pag-aaral, ay siyang malaking ambag sa paglinang at pagyaman ng wika at kulturang Filipino. |
---|