Ang pag-indak sa himig ni Bob Ong
Pasok ang mga akda ni Bob Ong sa dalawang tradisyon ng panitikang Pilipino: ang panitikang popular at ang panitikang didaktiko. Ito ang nilalayong patunayan ng pag-aaral na ito. Tinangkang sagutin ng mananaliksik ang nabubuong pagtataka ukol sa pambihirang popularidad na natatamasa ng manunulat na n...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2007
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2328 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Pasok ang mga akda ni Bob Ong sa dalawang tradisyon ng panitikang Pilipino: ang panitikang popular at ang panitikang didaktiko. Ito ang nilalayong patunayan ng pag-aaral na ito. Tinangkang sagutin ng mananaliksik ang nabubuong pagtataka ukol sa pambihirang popularidad na natatamasa ng manunulat na nagtatago sa publiko sa kabila ng mga pangangaral nito sa mga mambabasa.
Upang mabigyan ng pundasyon ang ganitong panukala, nagkaroon ng pagbabalik-tanaw sa ilang halimbawa ng panitikang popular at didaktiko sa kasaysayan. Isinaalang-alang ang mga kwentong-bayan ng panitikang oral, pasyon, Liwayway, at komiks para sa panitikang Pilipino na may popular na oryentasyon. Ang mga salawikain, sermon ng mga prayle, panitikan ng mga propagandista, panitikan matapos ang giyera, at panitikan noong dekada sitenta naman ang ginamit para sa panitikang didaktiko. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pamantayan ng dalawang uri ng panitikang nabanggit sa tulong nina Soledad S. Reyes at Rolando B. Tolentino, nabigyang linaw ang mga pagkakatulad ng mga akda ni Bob Ong sa mga halimbawa ng panitikang Pilipino na tinukoy. Ang wikang ginamit, tema at identipikasyong nabubuo, layunin ng manunulat, at lagay ng mambabasa ang mahahalagang salik na dapat ikonsidera upang malaman kung ang isang panitikan ay maituturing na popular. Samantalang, ang isang panitikang didaktiko naman ay nararapat na magkaroon ng malinaw na lupon ng taong tinatangkang turuan, malinaw na usaping tinatangkang ituro, at malinaw na paraan at tinig ng pagtuturo.
Upang mapaigting ang paglulugar kay Bob Ong sa loob ng tradisyon ng panitikang Pilipino, dumaan sa matalik na pagbasa ang dalawang piling libro ng manunulat, ang ABNKKBSNPLAko?! (2001) bilang representante ng mga akdang nonfiction at ang MACARTHUR (2007) para naman sa mga fiction gamit ang konsepto ng himig at ang iba't ibang uri nito--himig na naglilimi, himig na naglalarawan, himig na nanguuyam, himig na balintuna, at himig na nagpapatawa--na binuo ni Virgilio S. Almario.
Sa huli, napatunayan ng mananaliksik na ang mga akda ni Bob Ong ay tunay ngang nararapat na ituring na panitikang Pilipino na bumabalanse sa gitna ng popular at didaktikong oryentasyon na siyang lihim ng manunulat kung bakit nakakayanang indakan ng masa ang kanyang kakaibang himig ng paglikha. |
---|