Ang binatang candy cutie: Pagdalumat sa imahen ng binata sa Candy Magazine

Ang pag-aaral na ito ay ang pagbibigay talakay sa pagkadalumat ng imahen ng binata sa Candy Magazine. Isinuri ang seksyon ng Candyman ng Candy Magazine sa paghuhugis ng imahen sa pisikal na katangian, at sa karakter, kaisipan, at kaugalian ng binata. Gamit ang biswal na pagsusuri, ipinaghambing ang...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: De Leon, Margaret Anne T.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2009
Subjects:
Men
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2700
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay ang pagbibigay talakay sa pagkadalumat ng imahen ng binata sa Candy Magazine. Isinuri ang seksyon ng Candyman ng Candy Magazine sa paghuhugis ng imahen sa pisikal na katangian, at sa karakter, kaisipan, at kaugalian ng binata. Gamit ang biswal na pagsusuri, ipinaghambing ang mga katangian ng binata sa mga larawan ng Candyman at naipakita ang mga komonalidad na katangian sa loob nito. Sinuri rin ang mga nilalaman ng bawat artikulo sa isyung 2007 hanggang 2008 na umuukol sa kaugalian, kaisipan, at karakter ng binata gamit ang tekstwal na analisis. Sa pagsuri ng imahen at teksto ng Candyman, nakabuo ng dominanteng pisikal na katangian at pitong kategorya ng papel ng binata sa dalaga at realidad ng kanilang kaugalian. Nakilala ang binata partikular sa imahen ng Candy Magazine. Nakita ang pagbigay halaga sa pagiging Candy Cutie- isang binata ipinapakita ang average masculine , ang kaakit-akit pa rin sa mga dalaga. Isang mahalagang pag-aaral ito sa pagdadagdag ng kakaibang imahen na inihahandog ng Candy Magazine sa pagkakaroon ng sariling kagwapuhan ng binata. Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay sa iba't ibang pagsuri ng pagdalumat ng imahen ng binata sa mas malalim na pag-unawa sa ginagampanan ng Candy sa pagimpluwensa nito sa mga mambabasa, at sa lipunan.