Paano pinapahiwatig ng mga Pilipinong blogger and kanilang identidad sa internet?
Ayon sa Asia Internet Usage Stats 2008, mayroong 14 milyon na Pilipino sa Pilipinas na gumagamit ng internet at inaasahan na tataas ang bilang ng mga gumagamit ng internet bawat taon. Bukod sa mga social networking websites katulad ng Friendster at Facebook, ang pagsulat at pagbasa ng mga blog o web...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2009
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2701 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ayon sa Asia Internet Usage Stats 2008, mayroong 14 milyon na Pilipino sa Pilipinas na gumagamit ng internet at inaasahan na tataas ang bilang ng mga gumagamit ng internet bawat taon. Bukod sa mga social networking websites katulad ng Friendster at Facebook, ang pagsulat at pagbasa ng mga blog o weblog ay isa sa mga itinuturing na libangan ng mga Pilipino, isang ebidensya bilang pag-lunsad ng Blogger sa paggamit ng wikang Filipino at popularidad ng paggamit ng Multiply.com. Kahit sino ay maaring gumawa ng sariling blog, basta't may access sa internet. Dahil sa internet, nagkaroon ng mga bagong lugar (virtual community) upang makipag-usap sa isa't isa kahit hindi magkaharap. Sa tulong ng konsepto na performance at self presentation ni Erving Goffman, pinag-aralan ng mananaliksik ang 24 na premyadong blogs ng Philippine Blog Awards 2007 1t 2008 at natagpuan na ang paraan ng pag-aaral kung paano pinapahiwatig ng mga Pilipinong blogger ang kanilang identidad sa internet ay nakahati sa tatlong bahagi: sa pamamagitan ng pag-aaral ng istraktura o format ng blog, mga nilalaman ng blog at ang interaksyon na nangyayari sa pagitan ng blogger at ng mga bumibisita sa kanyang blog. Ang natagpuang istratehiyang na mas ginagamit ng mga Pilipinong blogger sa pagpapahiwatig ng kanilang sarili sa internet ay ang interaksyon sa pagitan ng blogger at ng mga bumibisita ng kanilang blog. Mayroong mga preperensiya ang bloger sa pagpili ng kulay, disenyo, at tema o paksa ng kanilang blog, ngunit ayon sa pag-aaral ng mananaliksik, mas pinapakita ng mga Pilipinonng blogger ang kanilang sarili sa paraan ng interaksyon nila sa mga bumibisita ng kanilang blog. Nagkakaroon ng masiglang palitan ng mga ideya at opinyon sa mga widgets na inilalagay nila sa blog at sa comment system sa bawat blog post. |
---|