Sa loob at labas ng billboard: Isang pag-aaral sa metapora ng mga billboard ng mga klinika ng pagpapaganda
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga metaporang binubuo (mula a loob hanggang sa labas) ng mga billboard, bilang pamamaraan sa pag-akit ng mga klinika ng pagpapaganda tulad ng Belo Mwedical Group, Calayan Surgical Centre, Mikaela Medical Team, Forever Flawless, Facial Care Centre, at Svenson. Sa p...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2010
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2722 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga metaporang binubuo (mula a loob hanggang sa labas) ng mga billboard, bilang pamamaraan sa pag-akit ng mga klinika ng pagpapaganda tulad ng Belo Mwedical Group, Calayan Surgical Centre, Mikaela Medical Team, Forever Flawless, Facial Care Centre, at Svenson. Sa pangkalahatan, tinangkang sagutin dito ay ang mga salik na ginagamit ng mga billboard ng mga klinika ng pagpapaganda sa paghikayat ng mga odyens nito na tangkilikin ang kanilang produkto at serbistyo.
Sinimulan ang metodolohiya sa pamamagitan ng field documentation ng mga billboard ng pagpapaganda mula sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), hanggang South Luzon Expressway (SLEx), Alabang.
Binatay ang pagsusuri ng mga billboard sa binuong konseptwal na balangkas, na inukol mula sa mga pananaw nina Charles Forceville sa Pictorial Metaphor, at Roland Barthes sa Semiotics. Sumangguni rin ang mananaliksik sa mga pahayagan, libro, dyornal at website para sa mga karagdagang impormasyon na makakatulong sa pagsisiyasat ng bawat billboard. Sa ginawang pagsusuri, natuklasan ang iba't ibang salik na ginamit upang mabisang mahikayat ang mga odyens. Unti-unting lumalabas na sa nakagawian ang kanilang pamamaraan, buhat sa pangangailangang maging katangi-tangi ang mga billboard na ito-- ang simleng pagpapakilala sa klinika at produktong handog nito, at ang paggamit ng kaakit-akit na modelo, at ang paglalagay ng agaw-atensyong mga ad blurb.
Natuklasan na may tatlong pangunahing metapora na ginagamit sa mga billboard: ang Metapora ngInsekyuridad na siyang gumagamit ng negatibong apila sa pamamagitan ng paglilikha ng pangamba at takot sa odyens, at ang Metapora na Satispaksyon na siya namang gumagamit ng positibong apila sa pamamagitan ng pagpapakilala ng satispaksyong matatamo matapos tangkilikin ang uri ng kagandahang handog ng klinika. Sa kabuuan, gumagamit ang mga metaporang ito ng mga tauhan na siyang may kinalaman sa metaporang likha ng mga billboard. Nalaman na iniuugnay ang kontekstong makukuha mula sa karakter nito partikular na ang pagkatao nito, katayuan nito sa buhay at pagkamatagumpay nito sa propesyon, sa mismong naratibong binuo ng mga billboard, upang personal na maka-ugnay ang mga target odyens.
ipinalalawak na, sa mga billboard ng pagpapaganda ng Metapora ns Satispaksyon, hindi tulad ng naunang Metapora, ang limitadong pamantayan ng konsepto ng kagandahan na batay lamang sa pisikal. Ang pagiging matagumpay, pagtataglay ng kahusayan sa larangan, at pagtatamo ng ganap na kasiyahan ay tila itinuturing ng panibagong pamantayan ng ganda. Gayundin, ipinaparating na rin, na ang pagtangkilik at pagtataglay ng kagandahang dikta ng mga billboard na ito ay nagiging salik sa pagiging matagumpay at pagtatamo ng ganap na satispaksyon ng isang indibidwal.
Sa kabilang dako, nalaman naman sa ikatlong metaporang natuklasan, Metapora na Flawless, ang kakaiba o tila postmodernong pamamaraan. Ito ay buhat sa pagpapaubaya nito ng kapangyarihan at kalayaan sa mga odyens na lumikha ng metapora sa mga billboard. Natuklasan rito na nagkaroon ng re-definition sa konsepto ng kagandahan. Ang pagpapakahulugan sa kagandahan ay lumalabas na sa pisikal, dahil pinapasukan na ito ng sikolohikal na papapakahulugan. Ipinababahala na sa mga odyens ang pagpapakahulugang ito sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang identidad. Gayunpaman, nalaman na tila imposible ang lumikha ng sariling metapora at sariling depinisyon ng kagandahan, sapagkat may naganap nang pre-conditioning mula sa mga naunang billboard ng hindi lamang ng klinikang Flawless, kundi ng lahat ng mga billboard ng mga klinika ng pagpapaganda. |
---|