Sining mo to': Pagsususri sa mga kantang parody na nilikha ng sining Lilla
Kadalasang makita ang mga rallyista sa lansangan ng Maynila at Mendiola na nagproprotesta patungkol sa katiwalian sa gobyerno, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at iba pa. Ultimo bata, matanda at mga babae ay nakikisama na sa mga ganitong klase ng pagproprotesta kaya kabilang sa alyansang nagsusulon...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2015
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2732 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Kadalasang makita ang mga rallyista sa lansangan ng Maynila at Mendiola na nagproprotesta patungkol sa katiwalian sa gobyerno, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at iba pa. Ultimo bata, matanda at mga babae ay nakikisama na sa mga ganitong klase ng pagproprotesta kaya kabilang sa alyansang nagsusulong ng pagbabago sa bansa ang Gabriela. Ang Gabriela o General Assembly, Equality, Leadership, and Action, ay naglalayong humubog ng isang malawak at komprehensibong kilusang pangkababaihan sa pilipinas upang tiyaking matutugunan ng estado at lipunan ang pangangailangan ng mga kababaihang Pilipino para sa isang lipunang makatarungan, egalitarian at makatao. Ang Gabriela na nabuo dahil sa malakas na paniniwala na may pangangailangan ng aktibong partisipasyon ng kababaihan at mga tao sa pagbabago sa Pilipinas upang marinig ang tunay na daing ng taumbayan. Ang hindi alam ng ilan ay mayroong kaakibat na cultural na aspeto ang Gabriela, ang Sining Lila. Nilalayong iparating ang mga hinain at daing ng kanilang grupo sa pamamagitan ng paglikha ng parody. Sa pag-aaral na ito, aalamin ng mananaliksik kung paano nagiging instrumento sa pagtalakay ng isyung panlipunan ang mga parody nilikha ng Sining Lila? Gamit ang disclosure analysis ni Malcolm Coulthard bibigyang uri ang tatlong kanta (Price tag, Starship, Just Give Me a Reason) na ginamit ng Sining Lila sa kanilang protesta laban sa administrasyon ni Pnoy. |
---|