Basagin ang katahimikan: Ang tinig ng mga manlalarong Pilipino ng chess sa ilalim ng National Chess Federation of the Philippines
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kalagayan ng larangan ng chess sa Pilipinas sa ilalim ng pamamalakad ng National Chess Federation of the Philippines o NCFP. Ang pag-aaral ay nakasentro sa kasalukuyang administrasyon na nag-umpisang mamahala sa kalagitnaan ng taong 2010. Nilayon ng pag-aaral n...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2014
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2736 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kalagayan ng larangan ng chess sa Pilipinas sa ilalim ng pamamalakad ng National Chess Federation of the Philippines o NCFP. Ang pag-aaral ay nakasentro sa kasalukuyang administrasyon na nag-umpisang mamahala sa kalagitnaan ng taong 2010. Nilayon ng pag-aaral na ito na una, maisiwalat ang mga kaganapan sa larangan na hindi nabibigyang pansin, at pangalawa nama'y mabuksan ang kamalayan ng mga sumasailalim sa pamamalakad ng NCFP.
Ito ay dedikado para sa komunidad ng chess sa bansa lalo na sa mga manlalarong nasa ilalim ng pamamalakad ng NCFP. Hindi naman ito limitado sa publiko na labas sa komunidad ng chess. Bagkus, ang pag-aaral na ito ay isinagawa para rin sa bawat Pilipino na nakikilala at tumatanggap ng karangalan sa bawat tagumpay ng mga Pilipinong manlalaro ng chess sa buong mundong kompetisyon.
Inilipat ang structures of discourse and structures of power ni Teun A. Van Dijk upang lubos maintindihan ang sitwasyon sa komunidad ng chess at ang ugnayan nito sa NCFP. Panayam sa mga beteranong manlalaro at iba pang mga kabilang sa komunidad ng chess ang pangunahing datos na pinagbabatayan ng mga mahahalagang detalye.
Sa resulta ng pag-aaral, lumalabas na hindi naging maganda ang kasalukuyang pamamalakad ng NCFP sa larangan ng chess. Ang paraan ng paghubog sa larangan ay nakatuon sa pansariling interes ng mga namumuno sa organisasyong namamalakad. Patunay at patuloy na matinding korapsyon at pulitika ang pumapatay at humahadlang sa isports upang umunlad. Hindi na rin maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na pagtrato at sistemang padrino sa loob ng isang lipunang may kapangyarihan.
Maraming beteranong manlalaro ang nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa pamamalakad ng NCFP partikular na sa kasalukuyang administrasyon. Bilang parte rin ng komunidad na aktibo sa mga torneyo, nagbahagi rin sila ng mga obserbasyon sa mga aksyon ng NCFP na kanilang hindi pinapaboran, o walang pabor sa pangkalahatang parte ng komunidad ng chess, at gayon rin sa ikauunlad ng larangan. Hinihikayat ng mananaliksik sa pamamagitan ng isinigawang pag-aaral na maraming manlalaro, magulang, coaches, at tagasubaybay ang magbahagi ng kanilang mga karanasan at obserbasyon upang magsilbing hakbang sa inaasahan na pagbabago. |
---|