Kalurkei: Ang konsepto ng katatawanan sa tambalan ng Balahura at Balasubas

Sa kabila ng mga dinaranas na problema ng mga Pilipino, nanatiling positibo pa rin ang pagtingin sa buhay kaya naman idinadaan na lamang sa pagtawa. Sa paraan na ito, nakakalimutan kahit sa sandaling oras ang mga bigat na dinadala sa buhay. Mayroon kanya-kanyang paraan ang mga Pilipino upang tumawa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Laro, Anna Katrina E.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2014
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2747
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Sa kabila ng mga dinaranas na problema ng mga Pilipino, nanatiling positibo pa rin ang pagtingin sa buhay kaya naman idinadaan na lamang sa pagtawa. Sa paraan na ito, nakakalimutan kahit sa sandaling oras ang mga bigat na dinadala sa buhay. Mayroon kanya-kanyang paraan ang mga Pilipino upang tumawa na nagpapagaan ng kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Sa programa ng Tambalan ng Balahura at Balasubas na programang pang-umaga na nagdudulot ng kaligayahan sa mga tagapakinig sa paraan ng kanilang kombersasyon na tila parte sila ng pag-uusap. Mayroon pagkakataon ang mga tagapakinig upang magbahagi upang maging talakayan. Pinapatakbo ito nina DJ Nicole Hyala at Chris Tsuper na nagbibigay komedya sa karakter na nailalabas at naibabahagi sa programa. Kakaunti pa lamang ang nag-aaral tungkol sa radyo at katatawanan para sa mga Pilipino kung kaya naman makakatulong na magkaroon ng karagdagang pag-aaral na tumatalakay sa parte ng kultura ng mga Pilipino sa komedya. Ginamit ang libro ng programa na Tambalan: Nicole Hyala at Chris Tsuper at transkripsyon ng mga dayalogo sa pakikinig ng mananaliksik sa programa. Pinagsama ang dalawang teksto na sinuri ayon sa conversation analysis ni Hutchby at kategorya ni Espino. Nakategorya ang mga klase ng mga jokes o mga patawa na sa kasalukuyang panahon ang mga ginagamit upang matawa ang mga tagapakinig. Nagbabago ang mga klase na nakakatawa sa mga Pilipino sa paglipas ng panahon.