Balita mo, ipatrol mo: isang pag-aaral sa partisipasyon ng mamamayan sa programang Bayan mo, ipatrol mo gamit ang kulturang popular at propaganda model

Hindi biro ang dami ng mga suliranin at isyung dapat bigyan ng solusyon ang siyang kinakaharap ng ating pamahalaan kada araw. Kung kaya naman hindi maiiwasan na ang ilan sa mga problema sa ating lipunan ay hindi agarang nabibigyan ng pansin. Noon, tanging sa pamamaraan lamang ng pagsulat sa letter t...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Arzadon, Noreen Ann Rowena E.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2014
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2771
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Hindi biro ang dami ng mga suliranin at isyung dapat bigyan ng solusyon ang siyang kinakaharap ng ating pamahalaan kada araw. Kung kaya naman hindi maiiwasan na ang ilan sa mga problema sa ating lipunan ay hindi agarang nabibigyan ng pansin. Noon, tanging sa pamamaraan lamang ng pagsulat sa letter to the editor ang pamamaraan ng mga mamamayan upang maging bahagi ng sistema ng pamamahayag at upang mabigyang pansin ang kanilang mga hinaing o di kaya'y ang mga isyu na pinapahalagahan nila. Sa kasalukuyan, aktibong hinihikayat ng programa sa pagbabalita ng ABS-CBN ang paglahok ng mga mamamayan o kani-kaniyang manonood at tagapagtangkilik sa segment nilang may pamagat na Bayan Mo, Ipatrol Mo. Ang mga lumalahok na tagapagtangkilik ay mala reporter na mayroong di-karaniwang kapangyarihan kagaya ng napapanood na mga propesyunal na reporter. Altrowistiko ang pagbubukas ng network na ito sa pagbabalita sa mamamayan. Ang dating eksklusibong linya ng pagbabalita para sa mga propesyunal at nakapag-aral noon at abot-kamay na ng karaniwang mamamayan alang-alang sa kapakanan ng lipunan at sambayanan. Makikita natin na ang network na ito ay tunay na nagbibigay serbisyo sa publiko. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Kulturang Popular ni Rolando Tolentino at Propaganda Model nina Edward Sherman at Noam Chomsky bilang gabay sa teoretikal na balangkas at aplikasyon sa mga nakalap na datos. Magmula sa mga naging resulta ng mga nakalap na datos sa metodolohiya ng pag-aaral na ito lumalabas na mayroong malaking limitasyon sa partisipasyon at pagma-manipula sa mga mamamayan sa programang Bayan Mo, Ipatrol Mo ng ABS-CBN.