Buhay condo: Isang deskriptibong pag-aaral sa pamumuhay ng mga Pilipino sa condominium

Nakatuon ang tesis na ito sa nagiging uri ng pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino sa loob ng condominium. Kung susuriin at titingnang mabuti, iba ang inihahaing uri ng pamumuhay ng paninirahan sa condominium mula sa itsura nito sa panlabas at panloob na aspekto. Hindi maikakaila na marami nang nanini...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Piguing, Jianne Irissa P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2015
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2775
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Nakatuon ang tesis na ito sa nagiging uri ng pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino sa loob ng condominium. Kung susuriin at titingnang mabuti, iba ang inihahaing uri ng pamumuhay ng paninirahan sa condominium mula sa itsura nito sa panlabas at panloob na aspekto. Hindi maikakaila na marami nang naninirahang pamilyang Pilipino sa ganitong uri ng tahanan. Iba't iba ang kanilang kadahilan kung bakit mas pinili o ginusto nilang manirahan dito. Kumuha ng mga patakaran at regulasyon ang mananaliksik sa iba't ibang developer ng condominium para alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga patakaran at regulasyon. Ang mga patakaran at regulasyong ito rin ang sinuri ng mananaliksik upang malaman kung paano binabago ng mga ito ang pamumuhay ng pamilyang Pilipino. Nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik sa mga taong naninirahan sa mga condominium sa mga kasangkot na developer upang malaman kung nasusunod ba ang mga patakarang ito at para din malaman kung may pagbabago ba sa kanilang pamumuhay. Layunin ng mananaliksik na malaman kung may transisyon o pagbabago sa pamumuhay ng Pilipino dahil sa mga patakarang itinatakda ng mga developer ng condominium. Hindi man ito napapansin sa o nararamdaman ngunit habang tumatagal, nababago ang pamumuhay ng pamilyang Pilipino sa pagtira sa condominium. Kung tutuusin, nagbayad ng malaki ang Pilipino para sa kakapiranggot na espasyo at maraming pangangailangan ang condominium sa taong naninirahan sa condominium. Ang mga patakaran at regulasyon ang nagbabago sa pamumuhay ng tao, maliit man o malaki ang nagiging pagbabago, iniiba at inilalayo nito ang karaniwang nakagawian ng pamilyang Pilipino sa kanyang nakasanayang tahanan.