Para sa matalinong panonood?: Ang pagsuri sa tungkulin ng MTRCB bilang ideological state apparatus sa lipunan
Ang tesis na pinamagatang Para sa Matalinong Panonood? Ang Pagsuri sa Tungkulin ng MTRCB Bilang Ideological State Apparatus sa Lipunan ay tumatalakay sa paggagahum ng MTRCB sa larangan ng libangan ng Pilipinas. Dito ipinakita kung paano gumagalaw ang organisasyon sa bansa bilang tagarebyu ng mga pro...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2014
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2776 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang tesis na pinamagatang Para sa Matalinong Panonood? Ang Pagsuri sa Tungkulin ng MTRCB Bilang Ideological State Apparatus sa Lipunan ay tumatalakay sa paggagahum ng MTRCB sa larangan ng libangan ng Pilipinas. Dito ipinakita kung paano gumagalaw ang organisasyon sa bansa bilang tagarebyu ng mga programa sa telebisyon at mga pelikula, at sa paanong paraan nito namamanipula ang mga manonood at mga tagalikha ng mga programa.
May tatlong suliranin na tumatalakay sa iba't ibang tungkulin ng ahensyang MTRCB: ang kaayusan nito o ang estruktura, ang kanilang mga polisiyang sinusunod, at ang mga ideolohiyang kanilang ipinatutupad para matugunan ang mga layunin ng ahensya. Ang pangunahing suliranin ng pananaliksik ang nagsilbing aplikasyon ng teorya ni Louis Althusser tungkol sa mga State Apparatus sa lipunan at bilang pangunahing ideya na nais patunayan ng mananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa iba't ibang grupo ng mga tao: sa mga manonood, sa mga nasa industriya ng midya, pati na rin sa mag-aaral ng midyang pangmasa. Mahalaga rin ito para sa kultura dahil ang mga programa'y nagpapakita ng iba't ibang kaugalian ng mga Pilipino na nakatutulong sa pagpapausbong ng kultura ng mga mamamayan. Nakatutulong ito sa mga tao na maging mapanuri at maging bukas sa mga ideya ng mga tagalikha, baguhan pa lamang o ang mga kilala na sa larangan.
Ginamit ng mananaliksik bilang basehan ang dokumentong 2004 Implementing Rules and Regulations, as amended, and Latest Issuance sa pagkalap ng mga datos na nakasagot sa mga suliranin ng pag-aaral. Ang mga kaugnay naman na literatura ang pinagkuhaan ng datos sa ibang mga paksa lalo na sa pagsuri sa teoryang ginamit bilang pagsagot sa pangunahing suliranin. Bukod pa dyan, nagkaroon ng panayam ang mananaliksik sa empleyado ng MTRCB upang magkaroon nang mas maliwanag na eksplanasyon tungkol sa kanilang organisasyon.
Napag-alaman ng mananaliksik na namamanipula ng ahensyang MTRCB ang lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga alituntunin at mga sinusunod na pamantayan sa pagkaklasipika sa mga programa. Ito ang nagsisilbing gabay ng lahat ng manonood ng telebisyon at mga pelikula na may mga partikular na palabas lamang silang maaaring panoorin. Ang mga alitutunin na ito ang siyang nakatutulong sa pagsasakatuparan ng ahensya sa kanilang mga pananaw at misyon bilang organisasyon. Ngunit hindi lamang iyan ang maaaring gawin ng MTRCB dahil may mga karampatang parusa silang ibinibigay sa mga lumalabag sa kanilang alituntunin ito ang isa pang patunay na talagang ginagahum nila ang lipunan. |
---|