Konseptong bakod, bukod, at buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia
Ang tesis na ito ay tungkol sa pag-aaral ng SM By The Bay bilang isang pook-pasyalan at kumikilala sa identidad ng mga Pilipino. Ang SM By The Bay ay binubuo ng mga establisyimento, food stalls at amusement park. Ginamit sa tesis na ito ang konseptong Bakod, Bukod, at Buklod ni Dr. Elizabeth Morales...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2015
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2783 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang tesis na ito ay tungkol sa pag-aaral ng SM By The Bay bilang isang pook-pasyalan at kumikilala sa identidad ng mga Pilipino. Ang SM By The Bay ay binubuo ng mga establisyimento, food stalls at amusement park. Ginamit sa tesis na ito ang konseptong Bakod, Bukod, at Buklod ni Dr. Elizabeth Morales-Nuncio upang matukoy ang katangian ng lugar at identidad ng mga taong namamasyal o pumupunta dito.
Ilan sa mga naging metodo ng mananaliksik ay ang pag-obserba ng ilang linngo sa By The Bay at ang pakikipanayam sa ilang taong naroon sa lugar. Naging bahagi rin ng metodo ang pagdanas ng pagiging konsumer sa loob ng espasyo. Ipinakita ng mananaliksik ang mga posibleng pinupuntahan ng mga Pilipino sa SM By The Bay at kung bakit ito naituturing na isang pook-pasyalan ng kahit anong uri ng tao.
Ginamit at pinagbatayan din ng mananaliksik ang konsepto sa librong Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan hanggang SM City North Edsa (2012) ni Elizabeth Morales Nunicio, upang mas maging maayos ang daloy at pagpapaliwanag kung ano ang natatanging katangian ng By The Bay kung kaya siya pinupuntahan ng tao at paano nito hinuhubog ang identidad ng isang konsumer sa oras na nakatapak na ito sa bakod ng By The Bay. |
---|