Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla
Ang mga katutubong Ati ang unang nanirahan sa isla ng Boracay bago pa man ito matuklasan at makilala ng buong mundo. Sila ang nangangalaga ng buong isla na pinagkukunan nila ng kanilang ikabubuhay. Tahimik at payapa silang naninirahan dito hanggang sa nagsimula nang dumami ang mga dayuhang pumunta s...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2015
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2785 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3785 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-37852022-06-23T06:04:34Z Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla Albay, Trisha Ann Gabrielle D. R. Ang mga katutubong Ati ang unang nanirahan sa isla ng Boracay bago pa man ito matuklasan at makilala ng buong mundo. Sila ang nangangalaga ng buong isla na pinagkukunan nila ng kanilang ikabubuhay. Tahimik at payapa silang naninirahan dito hanggang sa nagsimula nang dumami ang mga dayuhang pumunta sa Boracay upang maranasan ang isla. Dahil sa hindi maitatangging ganda at yaman ng isla, lalo pang dumami ang mga nagnanais na makita ito. Malaki ang ipinagbago ng espasyo ng Boracay sa mga nagdaang taon. Mula sa pagiging tahimik at payapang isla, ngayon ay puno na ito ng mga tao, gusali, tugtugan, sayawan, at iba pang kasiyahan. Iba-iba ang mga salik na nagdala ng pagbabago rito, nariyan ang modernisasyon, komersalisasyon at turismo. Ang mga salik na ito ay nag-ugat sa iisang bagay - ang kagustuhan ng mga taong umunlad at mapadali ang kanilang pamumuhay. Sa pagbabagong ito ng espasyo ng Boracay, hindi mapagkakailang may pagbabagong nangyayari sa pamumuhay at kultura ng mga Ati. Ang pagpasok ng mga 'taga-labas' o mga dayuhan at negosyante sa Boracay at sa pagdadala nila ng iba't-ibang salik na nagmumula sa labas ay siya namang nakaaapekto sa mga taga-loob. Bukod sa pagbabagong nadulot ng mga taga-labas sa pamumuhay ng mga 'taga-loob' o mga katutubomg Ati, nagawang mapaalis ang mga taga-loob sa kanilang sariling teritoryo. Dahil hindi naman kalakihan ang isla at patuloy pa rin ang pagdami ang mga tao at gusali, lumiit ng lumiit ang espasyo para sa mga Ati na naninirahan dito. Kung noon ay sakop nila ang buong isla, ngayon ay napaalis sila at inilipat na lamang sa isang maliit na espasyo upang doon manirahan. Ang dating pinagkukunan nila ng kabuhayan na mga kabundukan at karagatan ay inangkin at pagmamay-ari na ng mga pribadong indibidwal at korporasyon. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay sapagkat sa buong isla nakaugat ang kanilang kultura at identidad. Kasabay pa nito, madaming paghihirap ang kanilang dinanas sa pagpapaalis sa kanila sa isla. Nagkaroon ng mga demandahan, sakitan, siraan ng tahana, at patayan. Marami ang pagbabagong dinanas ng mga katutubong Ati ng Boracay mula sa kanilang pamumuhay hanggang sa sistemang pang-edukasyon. Nang nakasalamuha na nila ang mga taga-labas, nagbago rin ang kanilang mga paniniwala at tradisyon. Ang mga dati nilang kagawian ay hindi na nila nagagawa sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, habang nagbabago ang isla ng Boracay ay binabago rin nito ang mga taong naninirahan dito - ang mga Ati. 2015-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2785 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Environmental Studies |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Environmental Studies |
spellingShingle |
Environmental Studies Albay, Trisha Ann Gabrielle D. R. Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
description |
Ang mga katutubong Ati ang unang nanirahan sa isla ng Boracay bago pa man ito matuklasan at makilala ng buong mundo. Sila ang nangangalaga ng buong isla na pinagkukunan nila ng kanilang ikabubuhay. Tahimik at payapa silang naninirahan dito hanggang sa nagsimula nang dumami ang mga dayuhang pumunta sa Boracay upang maranasan ang isla. Dahil sa hindi maitatangging ganda at yaman ng isla, lalo pang dumami ang mga nagnanais na makita ito.
Malaki ang ipinagbago ng espasyo ng Boracay sa mga nagdaang taon. Mula sa pagiging tahimik at payapang isla, ngayon ay puno na ito ng mga tao, gusali, tugtugan, sayawan, at iba pang kasiyahan. Iba-iba ang mga salik na nagdala ng pagbabago rito, nariyan ang modernisasyon, komersalisasyon at turismo. Ang mga salik na ito ay nag-ugat sa iisang bagay - ang kagustuhan ng mga taong umunlad at mapadali ang kanilang pamumuhay. Sa pagbabagong ito ng espasyo ng Boracay, hindi mapagkakailang may pagbabagong nangyayari sa pamumuhay at kultura ng mga Ati. Ang pagpasok ng mga 'taga-labas' o mga dayuhan at negosyante sa Boracay at sa pagdadala nila ng iba't-ibang salik na nagmumula sa labas ay siya namang nakaaapekto sa mga taga-loob. Bukod sa pagbabagong nadulot ng mga taga-labas sa pamumuhay ng mga 'taga-loob' o mga katutubomg Ati, nagawang mapaalis ang mga taga-loob sa kanilang sariling teritoryo.
Dahil hindi naman kalakihan ang isla at patuloy pa rin ang pagdami ang mga tao at gusali, lumiit ng lumiit ang espasyo para sa mga Ati na naninirahan dito. Kung noon ay sakop nila ang buong isla, ngayon ay napaalis sila at inilipat na lamang sa isang maliit na espasyo upang doon manirahan. Ang dating pinagkukunan nila ng kabuhayan na mga kabundukan at karagatan ay inangkin at pagmamay-ari na ng mga pribadong indibidwal at korporasyon. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay sapagkat sa buong isla nakaugat ang kanilang kultura at identidad. Kasabay pa nito, madaming paghihirap ang kanilang dinanas sa pagpapaalis sa kanila sa isla. Nagkaroon ng mga demandahan, sakitan, siraan ng tahana, at patayan.
Marami ang pagbabagong dinanas ng mga katutubong Ati ng Boracay mula sa kanilang pamumuhay hanggang sa sistemang pang-edukasyon. Nang nakasalamuha na nila ang mga taga-labas, nagbago rin ang kanilang mga paniniwala at tradisyon. Ang mga dati nilang kagawian ay hindi na nila nagagawa sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, habang nagbabago ang isla ng Boracay ay binabago rin nito ang mga taong naninirahan dito - ang mga Ati. |
format |
text |
author |
Albay, Trisha Ann Gabrielle D. R. |
author_facet |
Albay, Trisha Ann Gabrielle D. R. |
author_sort |
Albay, Trisha Ann Gabrielle D. R. |
title |
Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
title_short |
Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
title_full |
Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
title_fullStr |
Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
title_full_unstemmed |
Laya(s): Ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ati ng Boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
title_sort |
laya(s): ang kasalukuyang kalagayan ng mga ati ng boracay sa nagbabagong espasyo ng isla |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2015 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2785 |
_version_ |
1772834625767342080 |