Mula sa malayong lupa, kuwento ng pakikibaka

Kabi-kabilang pagpatay laban sa mga katutubong lumad na Manobo ang naganap noong 2015 bunsod ng tumitinding militirisasyon sa Mindanao at sumisiklab na digmaan ng AFP at NPA. Bagamat walang ibang pinangarap ang mga katutubo kundi ang ipagtanggol ang kanilang ancestral domain mula sa anomang interes,...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Rosales, Elijah Felice E.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2809
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Kabi-kabilang pagpatay laban sa mga katutubong lumad na Manobo ang naganap noong 2015 bunsod ng tumitinding militirisasyon sa Mindanao at sumisiklab na digmaan ng AFP at NPA. Bagamat walang ibang pinangarap ang mga katutubo kundi ang ipagtanggol ang kanilang ancestral domain mula sa anomang interes, patuloy silang nadadawit sa bakbakan ng mga sundalo at rebelde at nababansagan pa ng sympathizer ng armadong pakikibaka. Katunayan, noong 2015, pinaslang ng mga pinaghihinalaang kasapi ng grupong paramilitar na Magahat-Bagani Forces ang ilang Manobo at kilalang tumulong sa mga Manobo, tulad ni Emerito Samarca, 54, executive director ng eskuwelahang Alcadev. Bunsod ng lumalalang tensyon sa kani-kanilang tahanan, natulak ang maraming lumad na mag-bakwit (forced evacuate) sa iba't ibang urban facilities ng Mindanao, tulad sa Tandag City Sports Complex sa Surigao del Sur. Mula sa trahedyang sinapit ng mga katutubo sa Andap Valley sa Lianga, Surigao del Sur, nabuo ko ang isang maghabang reportage na nagkukuwento sa madugong kasaysayan at mahabang pakikibaka ng mga Manobo. Ibinahagi ko sa sanaysay na ito ang aking pagtanaw sa kanilang kalagayan mula sa isang linggo kong pakikipamuhay at pakikipag-usap sa mga biktima ng militirisasyon at pamilya ng mga nasawi. Inilahad ko rito ang mga puwersang sa pananaw mismo ng mga Manobo ay humahadlang sa kanilang kalayaan at mga karapatan bilang mga katutubo ng Andap Valley.