Mga implikasyon sa social media ng pagiging kulturang popular ng mountaineering
Noon, ang mountaineering ay isang aktibidad lamang na ginagawa ng mga propesyonal. Ngunit, nag-iba ang kapalaran ng mountaineering dahil sa pagiging sikat nito ngayon. Ang dating para sa mga propesyonal lamang ay naging bukas para sa mga baguhan na nagnanais na subukin ang aktibidad kahit gaano kahi...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2016
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2832 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Noon, ang mountaineering ay isang aktibidad lamang na ginagawa ng mga propesyonal. Ngunit, nag-iba ang kapalaran ng mountaineering dahil sa pagiging sikat nito ngayon. Ang dating para sa mga propesyonal lamang ay naging bukas para sa mga baguhan na nagnanais na subukin ang aktibidad kahit gaano kahirap ito. Ang pagiging bukas nito ay resulta ng epekto ng social media sa mga tao. Nagsilbing daan ang social media upang maging sikat sa iba't ibang indibidwal. Mula sa isang simpleng post tungkol sa mountaineering sa social media kagaya ng Facebook, maraming nakaalam at sa huli ay naging uso ang aktibidad na ito, dulot ng malaking kapangyarihan at impluwensiya ng social media. Nagsisilbing isang daan ang social media kung saan maaring makabuo ng maaring trend o uso para sa hinaharap. Dito nabubuo ang mga bagay na tinatangkilik at maaaring tangkilikin ng maraming tao.
Dahil sa pagiging sikat ng mountaineering sa panahaon gayon, itinuturinng na ito bilang isang kulturang popular dahil sa pagtatangi nito sa mga katangian ng Kulturang Popular ni Rolando Tolentino. Una, ginawa ito para sa kita. Naging isang komersyal an aktibidad na ang mountaineering kung saan ginagamit na ito bilang isang negosyo ng ilang kumpanya kagaya ng mga tour agency kung saan inaalok nila ang mga mountaineer lalo na iyong mga baguhin na ikonsumo ang kanilang produkto-- ang kanilang serbisyo. Pangalawa, transgresio ito sa kategorya. Bukas ang mountaineering sa lahat ng tao, wala itong pinipiling kasarian, lahi at iba pa. Pangatlo, ipinapalaganap gamit ang teknolohiya. Naging sikat at uso ang mountaineering dahil sa social media. Madaling maka-impluensiya ng ibang tao sa pamamagitan ng isang post lamang tungkol dito kasama ang mga nakakaakit na larawan ng mga bundok. Pang-apat, pumapailanlang ito sa nosyon ng sadomasokismo. Ang pag-akyat sa bundok ay naging isang pagnanasa na sa mga tao kung saan kinakailangan nilang masubukan ang aktibidada na ito para maituring ang kanilang sarili bilang pasok sa uso. Lahat ng uso ay nagiging isang pagnanasa para sa mga tao. Panlima, nanggaling sa sentro. Ang mga taga urbanisadong lipunan ang nagdulot ng kasikatang ito sa social media. Naging uso it[o] dahil hail lahat ng kumokonsumo sa kulturang popular na ito ay galing sa sentro, o Metro Manila.
Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mountaineering bilang isang popular ayon sa limang katangiang popular ni Rolando Tolentino. Higit pa rito, ginamit ang teoryang ito upang ilahad ang mga implikasyon na mayroon ito sa tatlong aspekto -- panlipunan, kapaligiran, at ekonomik. Aspektong panlipunan dahil naging sikat ito dahil sa pagtangkilik ng mga tao sa lipunan. Aspektong kapaligiran naman dahil apektado ng kulturang popular na ito ang mga bundok at ang kapaligiran nito, at aspektong ekonomik naman dahil malaki ang naging papel at bahagi ng mga tour agency dito.
Pumasok sa mundo ng mountaineering ang mananaliksik ng pag-aaral na ito kung saan binigyang-patunay na ang mga implikasyon na inilahad ukol sa kulturang popular na ito ayon sa limang kulturang popular ay nangyayari sa realidad. Susuportahan na mga ito batay sa mga ginagawang pakikipanayam sa mga mountaineer, tour agency at tour guide. Magsisilbi ring patunay ang naging personal na karanasan ng mananaliksik. |
---|