Kabiyak ng desaparecidos: Paglalakbay-loob sa Ikid ng walang-katiyakan

Noong panahon ng Batas Miltiar, nagkaroon ng pagsuspinde sa karapatan ng mga tao. Nawala ang writ of habeas corpus o ang karapatan ng tao na maari lamang siyang maaresto kung may sapat na dokumento ang manghuhuli. Dito nagkaroon ng pagdadakip sa mga taong hindi sang ayon sa ganitong paraan. Ang tawa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Bacalso, Bryan Dale D.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2836
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Noong panahon ng Batas Miltiar, nagkaroon ng pagsuspinde sa karapatan ng mga tao. Nawala ang writ of habeas corpus o ang karapatan ng tao na maari lamang siyang maaresto kung may sapat na dokumento ang manghuhuli. Dito nagkaroon ng pagdadakip sa mga taong hindi sang ayon sa ganitong paraan. Ang tawag sa mga hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon ay desaparecidos. Nagsimula ang ganitong termino sa ibang bansa ngunit umabot na ito sa Pilipianas dahil sa mga kasakiman na nangyari noong panahon ng Batas Militar. Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa naging karanasan ng mga asawa ng desaparecidos pagkatapos nilang mawala. Pokus ito sa kanilang paghihinagpis dahil titingnan sa pananaliksik kung paano nga ba nila hinarap ang kanilang paghihinagpis. Gagamiting basehan ang teoryang 5 Stages of Grief ni Elizabeth Kubler Ross para makagawa ng panibagong teoryang mas aakma sa mga asawa ng desaparecidos na hanggang ngayon, wala pa ring nakikitang bangkay ng kanilang asawa. Hindi nila sigurado kung patay na ba ang kanilang asawa o buhay pa. Makikipanayam ang walong asawa ng desaparecidos para malaman kung ano ang kanilang pinagdaanan at kung paano sila naapektuhan nito. Pati ang epekto sa kanilang mga anak at iba pang kapamilya ay tatalakayin din ng tesis na ito. Bukod dito, tatalakayin din ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng Pilipinas mula Batas Militar hanggang sa kasalukuyan. Dito rin bibigyang pansin ang nangyaring kasakiman noong panahon na may koneksyon sa pagkawala ng mga asawa ng mga nakapanayam.