Surfing capital ti amianan: Promosyon ng turismo sa Urbiztondo, San Juan, La Union

Ang tesis na ito ay isang pag-aaral tungkol sa umuusbong na kultura ng surfing sa Pilipinas partikular na sa San Juan, La Union na kilala bilang Surfing Capital of the North. Sa pagtalakay ng paksang ito, layunin ng mananaliksik na malaman ang papel ng surfing sa promosyon ng turismo sa Urbiztondo....

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Dar, Charles Justine S.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2837
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang tesis na ito ay isang pag-aaral tungkol sa umuusbong na kultura ng surfing sa Pilipinas partikular na sa San Juan, La Union na kilala bilang Surfing Capital of the North. Sa pagtalakay ng paksang ito, layunin ng mananaliksik na malaman ang papel ng surfing sa promosyon ng turismo sa Urbiztondo. Upang masagot ang pangunahing suliranin na ito, nagkaroon ng tatlong tiyak na suliranin upang maunawaan ang paksa. Ito ang mga sumusunod: Paano nagsimula ang kultura ng surfing sa La Union? Ano ang buhay surfer? at Ano ang kasalukuyang lagay ng promosyon ng turismo sa San Juan, La Union? Ginamit naman ang lenteng SWOT Analysis ni Albert Humphrey upang bigyang interpretasyon ang mga datos at impormasyon na nakalap ng mananaliksik. Ang promosyon ng turismo sa Urbiztondo ang unang binigyang interpretasyon ng mananaliksik gamit ang teorya. Ikalawang salik na tiningman naman ang gawi at pamumuhay at pag-uugali ng mga lokal ng Urbiztondo sa parehong lente. Para sa pangangalap ng datos, pangunahing batayan ang mga panayam sa mga lokal at gumamit rin ang mananaliksik ng mga artikulo at dokumentaryo upang makakuha ng dagdag na impormasyon. Sa kabuuan, ang resulta ng ginawang pag-aaral nakatulong sa pag-unawa sa kultura ng surfing bilang pangunahing sangkap sa umusbong na promosyon ng turismo sa Urbiztondo, San Juan, La Union.