Sayaw sa bubog: Pagsasakasaysayan ng La Salle Dance Company-- Street mula 1997 hanggang 2017

Maraming oportunidad ang bumubukas para sa mga estudyante kapag ito ay tumuntong ng kolehiyo. Oportunidad nitong makilala pa ng husto ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na higit na interesado ito. Bahagi ng pagiging kolehiyo ang makilahok sa mga iba't ibang organisasyon sa un...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Alday, John Daniel B.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2840
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Maraming oportunidad ang bumubukas para sa mga estudyante kapag ito ay tumuntong ng kolehiyo. Oportunidad nitong makilala pa ng husto ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na higit na interesado ito. Bahagi ng pagiging kolehiyo ang makilahok sa mga iba't ibang organisasyon sa unibersidad at hindi lamang makulong ang pagkukuhanan ng kaalaman sa silid-aralan lamang. Ang mga organisasyong ito ay makakatulong sa mga estudyante hindi lamang sa pag-ensayo ng mga partikular na espesiyalidad nitong mga ito pero pati na rin ang pagbubuo ng network at relasyon ng isang estudyante sa ibang tao. Sa pag-aaral na ito na may titulong Sayaw sa Bubog: Pagsasakasaysayan ng La Salle Dance Company-- STREET mula 1997 hanggang 2017, tatalakayin at pag-aaralan ang kasaysayn ng opisyal na street dance na organisasyon ng Pamantasan ng De La Salle-- Manila. Ang pananaliksik ng LSDC-- STREET bilang isang organisasyon ay kabuuang pagkilala sa buong organisasyon. Naglalayong makapagbigay-alam sa pinagdaan ng organisasyon at makapagbigay-detalye sa kung paano nagsimula ito. Tutukuyin din ang loob at labas na suliranin ng organisasyon mula 1997 hanggang sa kasalukuyan. Ang pananaliksik na ito ay magwawakas na ang organisasyong LSDC-- STREET ay nagkaroon ng klarong ideya sa kung paano ito nagsimula at paano na ito sa panahon ngayon. Ito din ay nagawang tumugon at nakaraos sa panloob at panlabas na suliranin ng pinagdaanan nito sa pamamagitan ng mga isinagawang paraan at aktibidad para maayos ito. Sa maraming piangdaanan ng organisasyon, patuloy na magbabgo at uunlad ito dahil ang mga panloob at panlabas na suliranin na ito ang tumutulong na lalong maging matatag na organisasyong ang LSDC--STREET.